E-type lang ang katanungan sa loob ng box at pindutin ang search salawikain sawikain
Custom Search

Sawikain Alilang Kanin


salawikain alilang kanin


Sawikain: Alilang-Kanin - isang utusang walang bayad kundi pakain lang. Maari ring utusang ang bayad ay pabahay at pakain lamang ngunit walang ibang suweldo.

Halimbawa:
"Alicia, huwag ka namang masyadong masungit sa katulong natin, alalahanin mong alilang-kanin siya."

Mga Halimbawa ng Parabula

Ang Parabula o' talinghaga, talinhaga, ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa Greek word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.

Mga Halimbawa ng Parabula

Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.