Hindi siya tumanggi nang kunin siya para maging sundalo. Alam niya na tungkulin ng isang mamamayan na ipagtanggol ang bansang kanyang sinilangan.
Sa isang sagupaan laban sa mga Ruso, ang pangkat na kinabibilangan ni Ludwig ay nadaig ng mga kalaban. Higit na marami at malakas ang mga kalaban. Napilitan silang umurong. Sa kanilang pag-urong ay napahiwalay siya sa kanyang mga kasamahan. Mayroon siyang mga sugat. Nagpatagu-tago siya sa mga kakahuyan upang hindi siya mahuli ng mga kaaway. Alam niyang papatayin siya kapag nahuli siya ng mga ito. Hinanap niya ang kanyang mga kasamahan. Hindi niya makita ang mga ito. Kung saan-saan siya nakarating at bigo siyang matagpuan ang isa man sa kaniyang mga kasamahan.
Sa paghahanap niya ay nakarating siya sa isang lumang kapilya. Wasak na ang bubong ng kapilya. Pati ang ilang bahagi ng dingding ay wasak narin. Tiyak niyang tinamaan iyon ng bomba kaya nawasak. Naisipan niyang pumasok doon upang magtago at magpahinga.
Nakatulog siya sa loob at nanaginip siya na kausap ang Panginoon at sinabi kay Ludwig.
"Ikaw ang aking mga kamay at paa."
Napaiyak si Ludwig nang maintindihan niya ang ibig sabihin ng panaginip.
Nang matapos ang giyera ay inukol lamang niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa mga taong nasalanta ng giyera.