Ang tema sa Buwan ng Wika sa Agosto 2017 ay “Filipino: Wikang Mapagbago.” Ito ay ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF).
Gustong-gusto ko ang buwan ng wika sapagkat mas lalo nating nabibigyan ng pansin ang ating sariling wika. Ang sabi nga ni Dr. Jose Rizal,
"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda"
WIKANG FILIPINO, WIKANG MAPAGBAGO
Ni Erico Memije Habijan
Tinig ng Seklusyon:
May bago bang masasaba, kung sablay ang gantimpala.
Ng milenyang mapag-imbot, intensiyon niya’y di bihasa
Kalikasang kabuktutan, palalo at upasala
Sinta’t irog nating wika ang sipat ay hampas-lupa.
Siglo nitong dalawampu at isa na lumalatay
Munting sisiw sumisiyap, pagkat tukdo ay kinatay
Dalisdis nga nitong ilog, di marinig pagkat patay
Unawaang binusabos, popular na sumasablay.
Bakit hilaw ang paghiyaw, tinig nitong saguiguilid
Di madinig pagkat pahaw, awit ibong binilibid
Buang-buang ang pagkampi sa wikang di maigilid
Kaya’t ahas pag-aanyo, pagkalayang tumagilid.
Tinig ng Rebolusyon:
Isaisip nito bungo kung nais ay pagbabago
Mag-umpisa sa paggamit nitong wikang makabago
Filipino ang gamitin, sa saliksik na siyang sentro
Pagsasaling kasanayan, mabubuhay itong mundo.
Bumubuka ang liwayway sa disenyong makatao
Paghahasik-kaalaman, karunungang may diskurso
Pinapanday nitong wika, itong ating pagkatao
Pagkat hatid unawaan, sa batis ng pagkatuto.
Kita nganing mga henyo, bango’t tindig magmapuri!
Transpormasyong kapatiran, humihitik dumadampi
Wika Ina nating sakdal, pagbabago ang kandili
Agham, Bilang Masa media, uusbong na luwalhati.
Kitlin itong palamarang sa niya’y lapastangan
Pagbabagong ginigibo hindi siya kasangkapan
Rebolusyon ang kaputol, mapagpanggap ay undayan
Upang hindi lumaganap kamandag ng kamangmangan.
Magmalaki’t magtampisaw Filipino’y disiplina
Haring araw nakatunghay sa pag-asang dala niya
Lumang-gawi, gawa’t tigsik ilibing na’t upasala
Tanikalang kamangmangan, pagsibol ay napatid na!