Bitiwan o' bitawan? Ano ang wastong gamit? Marami ang nalilito sa wastong gamit ng mga salitang ito. Dahil sa kalitohan, madalas naipapalit sa gamit ang mga ito at nagagamit ng mali sapagkat ang salitang bitiwan at bitawan ay magkaiba ang kahulugan.
Ano ang kaibahan ng salitang bitiw at bitaw?
Ang salitang bitiw ay isang pandiwa (verb) samantalang ang bitaw ay isang pangngalan (noun).
Ang BITIW ay tumutukoy sa pagkakawala o' pag-aalis sa pagkakahawak.
Halimbawa:
BITIWan mo ang mga braso ko kung hindi ay sisigaw ako.
BITIWan mo muna ang hawak mong aklat.
BITIWan mo na ang pag-asang babalikan ka pa ng iyong kasintahan.
Nabitiwan ni Juan ang mga pinamili niyang gulay.
Ang BITAW ay ginagamit sa pagsasabong ng manok. Ang bitaw (paglalaban ng tatalin) ay idinaraos upang bigyan ng pagsasanay ang mga manok na sasabungin. Samakatuwid, ang bitawan ay nauukol sa pook na pinagdarausan ng paglalaban ng mga manok na walang tari.
Ang bitawan ay maaaring sa isang bakuran o' sa kalsada.
Halimbawa:
Sa bitawan malimit mapag-usapan ang mga nakakatawang biro.
Ayokong pumunta sa bitawan dahil maingay doon.