E-type lang ang katanungan sa loob ng box at pindutin ang search salawikain sawikain
Custom Search

Sawikain Idyoma Idioma

Marami ang nagtatanong at karamihan ay nalilito sa Sawikain, Idyoma at Idioma. 
Ano ang Sawikain? Ano ang Idyoma? Ano ang Idioma?

E-play ang video sa baba na naglalaman ng 50 halimbawa ng mga sawikain. Kung gusto niyo pa ng mas maraming halimbawa ng sawikain o' mga idyomatikong pahayag, bisitahin lang po ang ating Youtube channel.
Ang tatlong salitang ito ay iisa ang kahulugan.

sawikain, idyoma, idioma, halimbawa ng sawikain

Ano ang Sawikain? 
Ang sawikain o' idyoma  ay salita o grupo ng mga salita na matalinghagang naglalarawan sa isang bagay, kaganapan, pangyayari, o sitwasyon. Ang mga ginagamit na salita ay hindi tuwing naglalarawan. Meron itong nakatago at malalim na kahulugan.

Mga halimbawa ng Sawikain (Idyoma):
Halimbawa ng Sawikain 1.  Anak-dalita     
Kahulugan: Mahirap


halimbawa ng sawikain, anak-dalita sawikain,



Halimbawa ng Sawikain 2. Maputi ang Tainga
Kahulugan: Kuripot

halimbawa ng sawikain


Halimbawa ng Sawikain 3. matalas ang utak -- matalino
Halimbawa ng Sawikain4. Bungang-tulog - panaginip
Halimbawa ng Sawikain5.  takaw-tulog -- mahilig matulog
Halimbawa ng Sawikain6. Mahapdi ang bituka - nagugutom
Halimbawa ng Sawikain7. Halang ang bituka - salbahe,desperado o hindi nangingimang pumatay ng tao
Halimbawa ng Sawikain 8. Makapal ang bulsa - maraming pera
Halimbawa ng Sawikain 9. Butas ang bulsa - walang pera
Halimbawa ng Sawikain 10. Kusang palo - sariling sipag
Halimbawa ng Sawikain 11. Magaan ang kamay - madaling manontuk,manapok,manakit
Halimbawa ng Sawikain 12. Kidlat sa bilis - napakbilis
Halimbawa ng Sawikain 13. di makabasag pinggan - mahinhin
Halimbawa ng Sawikain14. nakahiga sa salapi/pera - mayaman
Halimbawa ng Sawikain 15. nagbibilang ng poste -- walang trabaho
Halimbawa ng Sawikain 16. namamangka sa dalawang ilog - salawahan
Halimbawa ng Sawikain 17. nagmumurang kamatis -- matandang nag-aayos binata o dalaga
Halimbawa ng Sawikain 19. naniningalang-pugad - nanliligaw
Halimbawa ng Sawikain 20. ningas-kugon -- panandalian, di pang-matagalan
Halimbawa ng Sawikain 21. makapal ang mukha - di marunong mahiya
Halimbawa ng Sawikain 22. maaliwalas ang mukha - masayahin
Halimbawa ng Sawikain 23. madilim ang mukha - taong simangot, problemado
Halimbawa ng Sawikain 24. dalawa ang mukha - kabilanin, balik-harap
Halimbawa ng Sawikain 25. panis ang laway -- taong di-palakibo
Halimbawa ng Sawikain 26. pagkagat ng dilim -- pag lubog ng araw
Halimbawa ng Sawikain 27. pulot-gata -- pagtatalik ng bagong kasal
Halimbawa ng Sawikain 28. putok sa buho -- anak sa labas
Halimbawa ng Sawikain 29. makati ang paa -- mahilig sa gala o lakad
Halimbawa ng Sawikain 30. pantay ang mga paa -- patay na
Halimbawa ng Sawikain 31. nagpupusa -- nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao
Halimbawa ng Sawikain 32. saling-pusa -- pansamantalang kasali sa laro o trabaho
Halimbawa ng Sawikain 33. sampid-bakod -- nakikisunod, nakikikain, o nakikitira
Halimbawa ng Sawikain 34. samaing palad -- malas na tao
Halimbawa ng Sawikain 35. sampay-bakod -- taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi
Halimbawa ng Sawikain 36.Dalawa ang bibig - mabunganga,madaldal
Halimbawa ng Sawikain 37. takipsilim -- paglubog ng araw
Halimbawa ng Sawikain 38. talusaling -- manipis ang balat
Halimbawa ng Sawikain 39. talusira -- madaling magbago
Halimbawa ng Sawikain 40. tawang-aso -- nagmamayabang, nangmamaliit
Halimbawa ng Sawikain 41. Alilang-kanin
Kahulugan: Utusang walang sweldo, pagkain lang
Halimbawa ng Sawikain 42. nakapinid ang tainga -- nagbibingi-bingihan
Halimbawa ng Sawikain 43. taingang kawali -- nagbibingi-bingihan
Halimbawa ng Sawikain 44. matalas ang ulo - matalino
Halimbawa ng Sawikain 45. mahangin ang ulo - mayabang
Halimbawa ng Sawikain 46. malamig ang ulo -- maganda ang sariling disposisyon
Halimbawa ng Sawikain 47. mainit ang ulo -- pangit ang disposisyon
Halimbawa ng Sawikain 48. lumaki ang ulo - yumabang
Halimbawa ng Sawikain 49. matigas ang ulo -- ayaw makinig sa pangaral o utos
Halimbawa ng Sawikain 50. basag-ulo -- gulo, away
Halimbawa ng Sawikain 51. may ipot sa ulo -- taong pinagtaksilan ng asawa
Halimbawa ng Sawikain 52. utak-biya -- bobo, mahina ang ulo
Halimbawa ng Sawikain 53. Balik-harap - pabuti sa harap,taksil sa likuran

Ang video sa baba ay naglalaman ng 25 Mga Halimbawa ng Sawikain o Mga Idyomatikong Pahayag Araling Pilipino

No comments:

Post a Comment