E-type lang ang katanungan sa loob ng box at pindutin ang search salawikain sawikain
Custom Search

Kapalaran Mo 2022 Prediksyon ayon sa Feng Shui | Chinese Zodiac 2022 Year of the Tiger Prediction

Kapalaran Mo 2022 Prediksyon ayon sa Feng Shui | Chinese Zodiac 2022 Year of the Tiger Prediction.Swerte ba o malas ang animal sign mo ngayong 2022? Alamin. Kapalaran Mo Ngayong 2022 Ayon sa Feng Shui | Chinese Zodiac Luck 2022 Year of the Tiger (Prediksyon 2022). Sa videong ito, alamin kung ano ang iyong magiging kapalaran sa bagong taon 2022 na year of the water tiger ayon sa paniniwala ng Feng Shui. Ang mga prediksyong ito ay base sa iyong Chinese zodiac sign na binubuo ng 12 chinese zodiac animals. Kapalaran year of the tiger 2022. Alamin ang mga suswertihin na zodiac sa 2022.
E-play ang video sa baba.

Ano ang Epiko? Ano ang Katangian ng Epiko at Mga Halimbawa ng Epiko

Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t-ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan. 

Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. 

Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko.


Mga Katangian ng Epiko

Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao
Mga inuulit na salita o parirala
Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.)

Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.

HALIMBAWA NG EPIKO

1. Epiko ng Luzon 
Biag ni Lam-ang (Ilocos)
Hudhud: Kwento ni Aliguyon (Ifugao)
Ibalon (Bicol)
Kudaman (Palawan)
Manimimbin (Palawan)
Ullalim (Kalinga)

2. Epiko ng Visayas
 Hinilawod (Panay)
 Humadapnon (Panay)
 Labaw Donggon (Bisayas)
 Maragtas (Bisayas)

3. Epiko ng Mindanao 
Bantugan
Darangan (Maranao)
Indarapatra at Sulayman (Maguindanao)
Agyu
Bidasari
Olaging (Bukidnon)
Sandayo (Zamboanga)
Tudbulul
Tuwaang
Ulahingan
Ulod



Anekdota, Kahulugan at Mga Halimbawa

Kahulugan ng Anekdota
Ang anekdota ay isang maikling salaysay ng isang nakawiwili, naklilibang o patalambuhay na pangyayari. Nagagamit din ito sa talumpati lalo na sa pagsisimula o sa pagwawa kaso kung may puntos na nais bigyan ng diin ng tagapagsalita. 

Ang anekdota ay maaari ring personal o pangyayari sa buhay ng manunulat o mananalumpati. Sa pamamagitan nito maipasisilip nila ang isang bahagi ng kanilang buhay na maaaring kapulutan ng aral.

Halimbawa ng Anekdota
Isang mahirap na tao ang tumama ng suwipstik. Siya ay maysakit sa puso kaya’t ang ahenteng binilhan niya ng tiket ay nag-isip ng paraan upang maihatid ang balita nang hindi aatakihin sa puso ang tumama. Sa kanilang pag-uusap ay tinantiya ng ahente kung ano ang magiging damdamin ng tao kung malaman na ito ay tumama sa suwipistik. Sinabi ng tao na kung siya ay tumama ay ibibigay niya ang kalahati sa ahente. Ang ahente ang inatake sa puso. 


Nobela, Layunin ng Nobela, Katangian ng Nobela, Mga Uri ng Nobela at mga Halimbawa ng Nobela

 Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila. 


Ang nobela ay isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.


Layunin ng Nobela:

1. gumising sa diwa at damdamin

2. nananawagan sa talino ng guni-guni

3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa

4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan

5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan

6. nagbibigay inspirasyon sa mambabasa

7. napupukas nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela



Katangian ng Nobela

1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan

2. pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay

3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad

4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili

5. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan

6. maraming ligaw na tagpo at kaganapan

7.ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari

8.  malinis at maayos ang pagkakasulat

9. magandang basahin

10. maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan


Mga Halimbawa ng Nobela

1. Mga Ibong Mandaragit - Amado V. Hernandez

2. Lalaki Sa Dilim - Benjamin M. Pascual

3. El filibusterismo - Jose Rizal


Uri ng Nobela

1. Nobelang  Romansa :  Ukol sa Pagkakaibigan.

2. Kasaysayan:  Bininigyang diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na

3. Nobelang Banghay:  Isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa. 

4. Nobelang masining:  Paglalarawan sa tauhan at pagkasunod-sunod na pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa.

5. Layunin:   mga layunin at simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao. 

6. Nobelang tauhan:  Binibigyang-diin sa nobelang ito ang tauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon .

7. Nobelang pagbabago:  Ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema. 


Si Mariang Mapangarapin | Halimbawa ng Kwentong Bayan

Ang "Si Mariang Mapangarapin" ay isang halimbawa ng kwentong bayan. Maari lamang na e-play ang video sa baba:



Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog. 

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.