E-type lang ang katanungan sa loob ng box at pindutin ang search salawikain sawikain
Custom Search

Wastong Gamit ng Salita Bibig at Bunganga


Ano ang wastong gamit ng salitang bibig at bunganga?
Marami sa ating mga Pilipino ang nalilito sa wastong gamit ng salitang bibig at bunganga. Madalas nababaliktad natin ang gamit ng mga ito.

Halimbawa: Ano ang tamang salita para dito salawikain sawikain?
"Hoy Nadia yang _________ mo ha! Kung ano ano na lang pinagsasasabi mo diyan."

Ano sa tingin mo ang tamang salita para sa pangungusap na nasa itaas? Bibig? o' Bunganga? 


Wastong Gamit ng Salita Bibig at Bunganga
Ano ang wastong gamit ng salitang bibig at bunganga?
Ang salitang bibig at bunganga ay maaaring hawig ng kahulugan subalit may kani-kaniyang tiyak na gamit sa pahayag.

Wastong Gamit ng Salita Bibig at Bunganga aralin star Ang salitang BIBIG ay ginagamit sa TAO.

Wastong Gamit ng Salita Bibig at Bunganga aralin star Ang salitang BUNGANGA ay ginagamit sa hayop at sa bagay.

Ano ang tamang sagot sa halimbawang pangungusap na nasa itaas? 

"Hoy Nadia yang bibig mo ha! Kung ano ano na lang pinagsasasabi mo diyan."

Karagdagang Halimbawa ng Wastong Gamit: Bibig at Bunganga

1.Tanaw na tanaw namin ang maluwang na bunganga ng bulkan.
2. Tinakpan niya ang bunganga ng tapayan.
3. Makipot ang bibig ng sanggol.
4. Rosanna, makinig ka muna ng ng mabuti at isara ang bibig.


Mga Halimbawa ng Pabula : Ang Unggoy At Ang Pagong

Noong unang panahon, mayroong dalawang matalik na magkaibigan. Sila ay sina Unggoy at si Pagong.
Minsang walang gawain ay sumama ang unggoy kay pagong na mamasyal sa paligid. Nakapulot sila ng isang punong saging na nakaharang sa daan. Nag-isip sila kung ano ang gagawin sa halaman.
"Mabuti pa kaya'y hatiin natin ito at itanim natin. Sa akin ang- bandang itaas at sa iyo ang ibaba." Mungkahi ng unggoy. Pinili niya ang itaas dahil doon lumalabas ang saging. Tatawa-tawa siyang umuwi·
Pumayag ang pagong. Pag-uwi nila sa kani-kanilang bahay agad nilang itinanim ang kanilang parte. Makalipas ang ilang araw, ang ang halaman ng unggoyi ay namatay. Labis siyang nalungkot sapagkat paborito pa naman niya ang prutas na saging.
Sa kabilang dako, tuwang-tuwa naman si pagong dahil namumunga na ang kaniyang puno ng saging. Dinalaw niya ang kaniyang kaibigan.
"Kaibigang unggoy, bakit ka malungkot? Ang ganda-ganda ng sikat ng araw ah." bati ng pagong sa kaibigan.
"Kasi namatay ang tanim ko." Malungkot na sagot ng unggoy. "Iyong tanim mo kumusta na, kaibigan?"
"Alami mo ang dami-dami nang bunga ng tanimi ko at mahihinog na silang lahat." masayang sagot ng pagong.
"Talaga? Puwede ko bang makita? sabi ng tusong unggoy.
Nanlalaki ang mata ng unggoy nang makita ang mga saging na tanim ng pagong.
Tinanong ng unggoy kung sino ang aakyat at kukuha ng mga saging sa itaas ng puno. Sinabi ng unggoy na hindi puwede ang lolo ng pagong dahil mahina na ito at hindi rin uubra ang kanyang kapatid pagkat bulag naman ito.
"Kaibigan pumayag ka kaya kung ako ang umakyat para ipitas ka ng saging?" mungkahi ng unggoy.
"Aba, e di mabuti." sagot ng pagong.
Mabilis na umakyat ang unggoy. Laking gulat ng pagong sa ginawa ng unggoy. Habang nasa itaas ay kinain nang kinain ng unggoy ang mga bunga hanggang sa ito ay ·mangalahati na lamang. Nakiusap ang pagong na abutan naman siya subali't pinagtawanan lamang siya ng unggoy.
Sa galit ng pagong sa katakawan ng unggoy, umalis siya at kumuha ng maraming tinik. Itinusak niya iyon isa paligid ng puno ng sagging.
"Kaibigang unggoy, hindi mainam sa kalusugan ang manatili diyan sa itaas ng buong araw. Ito'y isang payo ko lang sa iyo. Oras na marinig mo ang kahol ng aso, iyon ay isang hudyat upang ikaw ay bumaba na riyan." at umalis na ang pagong.
Di nagtagal at kumahol ang aso ng kapitbahay. Sa oras na iyon ay busog na busog na ang unggoy, Ayaw pa sana niyang bumaba nguni't naalala niya ang bilin ng kaibigan. Dahan-dahan siyang bumaba dahil sa sobrang kabusugan. Marahil sa sobrang bigat ay dumulas siyang pababa at bumagsak sa mga tinik na nakapaligid sa puno ng saging. Aringking sa sakit ang unggoy at. namimilipit sa sakit ng katawan hanggang sapitin ang kaniyang bahay.
Kinabukasan ay maagang gumising ang unggoy. Kailangan niyang makaganti sa ginawa sa kaniya ng pagong. Lumabas siya at hinanap ang kaibigan. Napagod siya a kalalakad. Pasalpak siyang naupo sa isang animo isang malaking kabibe upang magpahinga. Ang buntot niya ay pumasok sa isang butas at iyon ay biglang hinila ng walang iba kundi ang kaibigan niyang pagong. Ang likod pala ng pagong ang kaniyang naupuan. Napatalon ang unggoy.
"Aha, ikaw pala!" sigaw ng unggoy. "Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?"
"Anong gagawin mo sa akin?" tanong ng pagong.
"'Lilitsunin kita!" sabi ng unggoy.
"Kapag ginawa mo iyan, magiging pula ang kulay ko. Hindi mo ba alam na pula ang paborito kong kulay?" sagot ng pagong.
"Pagkatapos ay tatadtarin kita!" sabi uli ng unggoy.
"E di maganda, ikaw rin dadaming lalo ang pagong dito." sabad naman ng pagong.
"At pagkatapos ay itatapon kita sa ilog!" painis na sabi uli ng unggoy.
Pagkarinig dito ay lihim na natutuwa ang pagong, Hindi alam ng unggoy na gustong-gusto nga niyang maglaro sa tubig at lumangoy. Hindi nagpahalata ang pagong.
"Maawa ka, kaibigan. Huwag mong gawin sa akin iyan." pakunwaring umiyak na sabi ng pagong." Ilitson mo na ako o tadtarin mo kaya. Pero huwag mo lang akong itapon sa ilog!"
Hindi pinakinggan ng unggoy ang pakiusap ng pagong. Ubos lakas niyang inihagis sa tubig ang pagong. Sumisid sa kailaliman ang pagong at ilang sandali lamang at lumitaw ito na may hawak na isang malaking isda. Ipinakita niya ito sa kaibigang unggoy. Nagulat ang unggoy at hindi agad nakapagsalita.
"Kaibigan, ibibigay mo ba sa akin iyan?" ang nasambit ng unggoy. "Bakit hindi ka lumundag dito at humuli ng para sa iyo?" sagot ng pagong. "Hindi kanaman siguro isang tamad."
Ayaw na ayaw ng unggoy na matatawag siyang tamad. Dali-dali siyang tumalon at dahil sa hindi siya marunong lumangoy, siya ay nalunod. Ang pagong ay tumawa na lang nang tumawa.

Alamat ng Ampalaya

Mahilig ba kayo sa gulay na ampalaya? Bakit kaya mapait ang amlapaya? Bakit kaya kapag ka ang tao ay laging galit, binibiro itong at tinatawag na "bitter" sa buhay at baka raw mahilig kumain ng ampalaya? Alam niyo ba kung ano ang Alamat ng Ampalaya?

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.
Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na ma manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.
Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.
Araw araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot.
Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay, nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.
Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain, isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang kanyang anyo.
Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang panlasa sa kanya at pait ang idinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging madilim.