E-type lang ang katanungan sa loob ng box at pindutin ang search salawikain sawikain
Custom Search

Salawikain Magnanakaw




salawikain halimbawa magnanakaw



Salawikain: Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw.

Salawikain

Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.

Salawikain Lalagyang Walang Laman

Halimbawa ng Salawikain, Ang lalagyang walang laman ay maingay, Mga Halimbawa ng Salawikain, salawikain, salawikan,
Halimbawa ng Salawikain:  Ang lalagyang walang laman ay maingay.

Salawikain Tulog na Hipon

Mga Halimbawa ng Salawikain, salawikan, Halimbawa ng Salawikain, salawikain hipon


Halimbawa ng Salawikain: Ang tulog na hipon , tinatangay ng agos.
Philippine Proverb: A sleeping shrimp is carried away by the current.

Salawikain

Anuman ang gagawin, pitong beses isipin.

-In English, it literally means "Whatever you do, think about it seven times", which means you have to think and weigh everything carefully before making any decisions.

Sawikain

Malawak ang isip

Kahulugan : Taong mabilis umunawa; mararaming nalalaman

Sawikain

nakahiga sa salapi sawikain

Nakahiga sa salapi - ang ibig sabihin ng sawikain na ito ay mayaman

Halimbawa ng Sawikain na ito:
Mabuti pa si Ricardo, hindi namomroblema kasi nakahiga sa salapi.

Sawikain

Mapurol ang utak - ang ibig sabihin ay bobo

Halimbawa:
Kawawa naman si Pedra, talaga yatang mapurol ang utak at palagi nalang bagsak ang grado.

Salawikain

Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak.

Salawikain

Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.

Salawikain

Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Philippine Proverb: Eventhough the procession is long, it will still end up in church

Sawikain

DI MADAPUANG LANGAW - taong malinis at maganda ang bihis.

Halimbawa ng gamit:
Tingnan mo si Pedro di madapuang langaw ang suot na tuxedo.

Sawikain

Anak-Dalita - ang ibig sabihin ay Mahirap

Halimbawa:
Si Gloria ay isang anak-dalita na naagsusumikap mag-aral nang mabuti para sa magandang kinabukasan.

Sawikain

Anak-Dalita - ang ibig sabihin ay Mahirap

Halimbawa:
Si Gloria ay isang anak-dalita.

Salawikain

Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

Sawikain

Ahas - taksil o' traydor

Halimbawa: Si Mario ay isa palang ahas.

Sawikain

nagmumurang kamatis - taong matanda na na nag-aayos binata o nag-aayos dalaga para magmukhang bata pa.

Sawikain

naniningalang-pugad - nanliligaw

Halimbawa:
Si Jose ay matagal nang naniningalang-pugad kay Maria

Sawikain

masama ang loob - ang ibig sabihin ay nagdaramdam

Halimbawa:
Masama ang loob ni Anita dahil hindi siya sinama ng kanyang nanay sa bayan.

Salawikain

Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis.

Salawikain

Kung may itinanim, may aanihin.

Philippine Proverb: If you plant, you harvest.

Salawikain

Anuman ang gagawin, pitong beses isipin.

Philippine Proverb: Whatever you do, think about it seven times.

Ang ibig sabihin ng salawikain na ito ay huwag magpadalos-dalos. Kailangang pag isipan mo ng mabuti, ng maraming beses, ang mga desisyong iyong gagawin sa iyong buhay.

Salawikain

Kung pukulin ka ng bato, tinapay ang iganti mo.

Philippine Proverb: If someone throws stones at you, throw back bread.

Ang salawikaing ito ay nangangahulugan na kung ang iyong kapwa ay gumawa ng masama sa iyo, huwag mo itong gantihan ng kasamaan din, gantihan mo ito ng kabutihan.

Salawikain

Hangga't makitid ang kumot, matutong mamaluktot.

Philippine Proverb: While the blanket is short, learn how to bend.

Salawikain

Habang may buhay, may pag-asa.

Philippine Proverb: While there is life, there is hope.

Salawikain

Ang sakit ng kalingkigan, sakit ng buong katawan.

Proverb: The pain of the little finger is felt by whole body.

Salawikain

"Ang pag-aasawa ay hindi biro, 'di tulad ng kanin, iluluwa kung mapaso."

Filipino Proverb: Marriage is not a joke. It is not like food that you can spit out when your tongue gets burn.

Salawikain

Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak.

Proverb: United we stand, divided we fall.

Salawikain

Walang palayok na walang kasukat na tungtong.

Filipino Proverb: Every pot has a matching lid.

Halimbawa ng Salawikain Paghahangad ng Labis

salawikain, mga halimbawa ng salawikain, salawikain sa kasakiman
Halimbawa ng Salawikain:
Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.

Philippine Proverb: He who wish more, loses more than he can gain.

Ang salawikain na ito, "Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala." ay tungkol sa kasakiman at sa negatibong epekto ng paghangad ng sobra sobra.

Ang salawikain na ito ay nagsisilbing paalala na minsan hindi rin mabuti ang sobra.

Ang isang mabuting halimbawa  nito ay ang isang manggagawa na nagtatrabaho nang labis labis upang kumita ng marami ngunit dahil sa labis na kagustuhang kumita ng pera napipinsala ang kanyang kalusugan at wala na siyang panahon para sa pamilya.

Bagamat mabuti ang nagsusumikap at nangangarap sa buhay, kailangan din na panatilihin ang balanse sa buhay.

Sawikain

Alilang-kanin - utusang walang sweldo, pagkain lang

Halimbawa:
Si Mario ay isang alilang kanin.

Ibig sabihin:
Si Mario ay walang sweldo, pinapakain lang, or binibigyan lang ng pagkain. Ang tanging nakukuha niya bilang ganti ng kanyang serbisyo ay pagkain.

Sawikain

Anak-dalita. Ang ibig sabihin ng sawikain na anak-dalita ay mahirap.

Halimbawa:
Si Juan ay isang anak-dalita.

Sawikain

matalas ang tainga - madaling makarinig o mabilis makaulinig

Halimbawa:
Napansin kong matalas ang tainga ni Juan kahit na siya ay malapit nang mag 80 taong gulang.

Sawikain

Sira ang Tutktok - gago o' luko-luko

Halimbawa ng gamit nito:
Sira ang tuktok ng taong iyon, kanina pa sigaw ng sigaw, wala namang kaaway.

Salawikain

Salawikain: Walang tiyaga, walang nilaga

Filipino Proverb: "If you don't persevere, you can expect no reward"

Salawikain

"Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw."

This Filipino Proverb means,
" A quitter never wins, a winner never quits."

Salawikain

"Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim."

Filipino Proverb: "Life is like a wheel, sometimes you're up sometimes you're down"

Salawikain

"Ang kalusugan ay kayamanan."

Proverb: "Health is Wealth"

Salawikain

"Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa."

One of the popular Filipino proverbs. It means that the Lord has the mercy but people need to work.

Salawikain

"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mahigit pa sa mabaho at malansang isda."

Filipino Proverb: "He who does not love his own mother tongue is worse than a rotten fish."

Salawikain

"Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay."

Philippine Proverb that means "Poverty is not a hindrance to success"

Salawikain

"Bihirang masilayan, agad nakakalimutan."

This Philippine Proverb means "rarely seen, immediately forgotten"

Salawikain Ang Taong Nagigipit sa Patalim Kumakapit

Salawikain Ang Taong Nagigipit sa Patalim Kumakapit

Halimbawa ng Salawikain: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.

Ang Ibig Sabihin ng Kasabihang Ito Ay:
Minsan ang mga taong nagigipit o' nasa mahirap na sitwasyon ay napipilitang gumawa ng mapangahas na mga hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang
magipit, maghirap o' magkaproblema.

Salawikain

Ang kita sa bula,sa bula rin mawawala.

Salawikain

Kung sino ang pumutak ay siyang nanganak.

Philippine Proverb: He who cackled is the guilty party.

Salawikain

Walang naninira sa bakal kundi sariling kalawang.

Philippine Proverb: Nothing destroys iron but its own corrosion.

Salawikain

Mahirap gisingin ang nagtutulog-tulugan.

Proverb: It is hard to wake up someone who is pretending to be asleep .

Salawikain

Ubos-ubos biyaya, maya maya nakatunganga.

Proverb: Spend lavishly, later end up with nothing.

Salawikain

Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan.

Filipino Proverb: You will know a true friend in time of need.

Salawikain

"Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan."

Philippine Proverb that means
"people who do not look behind their origin will not reach their (desired) destination."


Ano Ang Salawikain?

Ano ang Salawikain? Palagi nating naririnig ang salitang "Salawikain". Ano nga ba ang ibig sabihin ng Salawikain?
Ano Ang Salawikain
Ang mga Salawikain (Philippine proverbs) ay mga kasabihang Pinoy na ginagamit ng mga Pilipino batay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya. Karamihan sa mga Salawikain nating mga Pilipino ay pamana na mga sinaunang henerasyon. Ang mga kasabihang ito ay naglalaman ng mga karunungang natutunan mula sa mga karanasan at naglalayong magbigay ng patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang mga Salawikain ay nagsisilbing aral sa pamumuhay, ito ay nagsasalamin ng ugaling Pilipino at nagbibigay ng payo, supporta, at mga paalala sa mga kabataan at sa lahat ng Pilipino, maging sa lahat ng tao sa buong mundo.


Ano Ang Salawikain
Halimbawa ng Salawikain 1: Kung ano ang puno, siya ang bunga.
Salawikain in English: Whatever the tree, so will its fruit be.

Halimbawa ng Salawikain 2: Kung may tinanim, may aanihin.
Salawikain in English: If you planted something, you’ll harvest something.

Halimbawa ng Salawikain 3: Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
Salawikain in English: What good is the grass if the horse is already dead.

Halimbawa ng Salawikain 4: Malaking puno, ngunit walang lilim.
Salawikain in English: A large tree with no shade.

Halimbawa ng Salawikain 5: Ang ampalaya kahit anong pait, sa nagkakagusto’y matamis.
Salawikain in English: No matter how bitter a vegetable is, it is sweet to those who like it.

Para sa karagdagang halimbawa ng Salawikain, pindutin lamang ang link na ito ðŸ‘‰ Halimbawa ng Salawikain.

May tanong ka pa ba? E-type sa loob ng box at pindotin ang search.
Custom Search


MGA KATEGORYA NG ARALING PILIPINO
Mga Alamat
Mga Bayani
Mga Bugtong
Mga Epiko
Mga Katutubong Kanta
Mga Pabula
Mga Parabula
Mga Sawikain o' Idyoma
Mga Salawikain
Mga Pambansang Sagisag
Pangulo ng Pilipinas
Wikang Filipino

Kaibahan ng Salawikain at Sawikain

Ano ang Kaibahan ng Salawikain at Sawikain?



Ang Salawikain at Sawikain ay bahagi na ng kulturang Pilipino. Ang mga ito ay kabilang na sa mga pinakamatandang kasabihan at pahayag ng damdamin, kaisipan at mga ninanis sa buhay na nalinang at ginagamit mula pa sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Masasabi nating ang mga ito ay kasama na sa matatawag nating kayamanan ng kulturang Pilipino. Ang mga Salawikain at Sawikain ay mga hiyas ng ating wika, mga salita ng ating mga sinaunang ninuno na naipamana sa sumunod na mga henerasyon. Ang mga ito ay nagtataglay ng karunungan at kaalaman sa tradisyonal na kulturang Pilipino.

ano ang pagkakaiba ng salawikain sa sawikain
Marami ang nalilito kung ano ang kaibahan ng salawikain at sawikain. Dahil dito, ninanais kong ipaliwanag ang konting kaibahan ng dalawa.

Ang Salawikain (Philippine Proverb) ay pangungusap ma nakugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng tao. Ito'y isang sambit lang, patabis na nakasalalau sa isang matandang paniniwala at pandaigdig na katotohanang malaon nang ginagamit. Ang salawikain ay hango rin sa mga aral na nakuha sa pang araw araw na pamumuhaymay. Ang mga salita nito ay mas malalim. Ang mga kasabihang ito ay nagmula sa mga pahayag at pangaral ng mga matatanda.

Ang Sawikain (Filipino idiom or idiomatic expression) ay mga idyoma. Isa itong uri ng pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa atin, gamit ang ating wika. Ang mga ito ay base rin sa pang-araw-araw na pamumuhay at pakikisamaluha sa kapwa. Ito ay maaaring isang parirala o pangungusap, na ang ibig sabihin ay lubos na naiiba mula sa mga literal na kahulugan ng mga salita na binubuo ng idyoma o pansalitain na ekspresyon.

May Katanungan Ka Pa Ba?

E-type sa loob ng box at pindotin ang Search
Custom Search

MGA KATEGORYA NG ARALING PILIPINO
Mga Alamat
Mga Bayani
Mga Bugtong
Mga Epiko
Mga Katutubong Kanta
Mga Pabula
Mga Parabula
Mga Sawikain o' Idyoma
Mga Salawikain
Mga Pambansang Sagisag
Pangulo ng Pilipinas
Wikang Filipino
ano ang kaibahan ng salawikain at sawikain

Ano Ang Sawikain

Ang video sa baba ay naglalaman ng animnapung (60) halimbawa ng mga sawikain. Ang iba ay hindi nakalista sa ibaba. Maari lamang pong e-play ang video.


Ang sawikain ay kasabihan o' kawikaan na may dalang aral na maaaring tumukoy sa isang idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal. Ang sawikain ay tinatawag din na idioma. Ito'y salita o' grupo ng mga salitang patalinghaga ang gamit at hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan. Ang sawikain ay maari ring isang moto o mga parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao. Kadalasang malalim ang mga gamit na salita at pinapalitan ang pangkaraniwang pagtawag sa isang bagay at ginagawang matatalinhagang pahayag.

Mga Halimbawa ng Sawikain o Idyoma

halimbawa ng salawikain star Halimbawa ng Sawikain : Ikurus sa noo
Kahulugan: Tandaan
Halimbawa ng Gamit: Ang mga aralin sa eskwela ay dapat ikurus sa noo.

halimbawa ng salawikain star Halimbawa ng Sawikain : Butas ang bulsa
Kahulugan: walang pera
Halimbawa ng Gamit:  Nagsusugal si Juan kaya palaging butas ang bulsa.

halimbawa ng salawikain star Halimbawa ng Sawikain : Ilaw ng tahanan
Kahulugan: Ina
Halimbawa ng Gamit: Mahal na mahal namin ang aming ilaw ng tahanan.

halimbawa ng salawikain star Halimbawa ng Sawikain :  Bahag ang buntot
Kahulugan: Duwag
Halimbawa ng Gamit: Palibhasa bahag ang buntot mo kaya takot ka sa dilim.

halimbawa ng salawikain star Halimbawa ng Sawikain :  Ibaon sa hukay
Kahulugan: Kalimutan
Halimbawa ng Gamit: Ibaon mo na sa hukay ang nakaraan.

halimbawa ng salawikain star Halimbawa ng Sawikain : Balitang-kutsero
Kahulugan:  Balitang hindi totoo o' walang kasiguraduhan
Halimbawa ng Gamit: Kay naku, nagpapaniwala ka diyan kay Juan eh puro balitang-kutsero ang alam.

halimbawa ng salawikain star Halimbawa ng Sawikain :  Bukas ang palad
Kahulugan: Matulungin
Halimbawa ng Gamit: Ang mga taong bukas ang palad ay pinagpapala ng Panginoon.

halimbawa ng salawikain star Halimbawa ng Sawikain : Nagbibilang ng poste
Kahulugan: Walang trabaho
Halimbawa ng Gamit: Itong si Juan ubod ng tamad, araw araw nagbibilang ng posteBakit siya ay nagbibilang ng poste?

Para sa karagdagang halimbawa ng mga sawikain, e-click lang ang link na ito 👉 Halimbawa ng mga sawikain


May Katanungan Ka Pa Ba?

E-type sa loob ng box at pindutin ang Search
ano ang sawikain, ano ang idyoma