E-type lang ang katanungan sa loob ng box at pindutin ang search salawikain sawikain
Custom Search
Showing posts with label Mga Halimbawa ng Sawikain. Show all posts
Showing posts with label Mga Halimbawa ng Sawikain. Show all posts

Halimbawa ng Sawikain - Maitim ang Budhi

Sa mga mahihilig manood ng mga pelikula at drama sa telebisyon, malamang narinig niyo na ang Sawikain ng ito. "Maitim ang Budhi"

Ano nga ba ang kahulugan ng sawikain na ito?

sawikain maitim ang budhi
SAWIKAIN O' IDYOMA: MAITIM ANG BUDHI 
KAHULUGAN:  Ang ibig sabihin ng "maitim ang budhi" ay masama ang ugali o' tuso. Masamang tao.

HALIMBAWA NG GAMIT:  Mag-ingat ka sa lalaking iyan. Maitim ang budhi niyan kaya labas pasok sa bilanguan.

Salawikain Makati ang Paa

Salawikain, makati ang Paa, Kahulugan ng Salawikain, Taong mahilig sa gala, mahilig sa lakad, mahilig sa pag-alis
Salawikain: Makati ang Paa
Kahulugan ng Salawikain: Taong mahilig sa gala, lakad, o' pag-alis

Sawikain Alilang Kanin


salawikain alilang kanin


Sawikain: Alilang-Kanin - isang utusang walang bayad kundi pakain lang. Maari ring utusang ang bayad ay pabahay at pakain lamang ngunit walang ibang suweldo.

Halimbawa:
"Alicia, huwag ka namang masyadong masungit sa katulong natin, alalahanin mong alilang-kanin siya."

Sawikain

Malawak ang isip

Kahulugan : Taong mabilis umunawa; mararaming nalalaman

Sawikain

nakahiga sa salapi sawikain

Nakahiga sa salapi - ang ibig sabihin ng sawikain na ito ay mayaman

Halimbawa ng Sawikain na ito:
Mabuti pa si Ricardo, hindi namomroblema kasi nakahiga sa salapi.

Sawikain

Mapurol ang utak - ang ibig sabihin ay bobo

Halimbawa:
Kawawa naman si Pedra, talaga yatang mapurol ang utak at palagi nalang bagsak ang grado.

Sawikain

DI MADAPUANG LANGAW - taong malinis at maganda ang bihis.

Halimbawa ng gamit:
Tingnan mo si Pedro di madapuang langaw ang suot na tuxedo.

Sawikain

Anak-Dalita - ang ibig sabihin ay Mahirap

Halimbawa:
Si Gloria ay isang anak-dalita na naagsusumikap mag-aral nang mabuti para sa magandang kinabukasan.

Sawikain

Anak-Dalita - ang ibig sabihin ay Mahirap

Halimbawa:
Si Gloria ay isang anak-dalita.

Sawikain

Ahas - taksil o' traydor

Halimbawa: Si Mario ay isa palang ahas.

Sawikain

nagmumurang kamatis - taong matanda na na nag-aayos binata o nag-aayos dalaga para magmukhang bata pa.

Sawikain

naniningalang-pugad - nanliligaw

Halimbawa:
Si Jose ay matagal nang naniningalang-pugad kay Maria

Sawikain

masama ang loob - ang ibig sabihin ay nagdaramdam

Halimbawa:
Masama ang loob ni Anita dahil hindi siya sinama ng kanyang nanay sa bayan.

Sawikain

Alilang-kanin - utusang walang sweldo, pagkain lang

Halimbawa:
Si Mario ay isang alilang kanin.

Ibig sabihin:
Si Mario ay walang sweldo, pinapakain lang, or binibigyan lang ng pagkain. Ang tanging nakukuha niya bilang ganti ng kanyang serbisyo ay pagkain.

Sawikain

Anak-dalita. Ang ibig sabihin ng sawikain na anak-dalita ay mahirap.

Halimbawa:
Si Juan ay isang anak-dalita.

Sawikain

matalas ang tainga - madaling makarinig o mabilis makaulinig

Halimbawa:
Napansin kong matalas ang tainga ni Juan kahit na siya ay malapit nang mag 80 taong gulang.

Sawikain

Sira ang Tutktok - gago o' luko-luko

Halimbawa ng gamit nito:
Sira ang tuktok ng taong iyon, kanina pa sigaw ng sigaw, wala namang kaaway.

Ano Ang Sawikain

Ang video sa baba ay naglalaman ng animnapung (60) halimbawa ng mga sawikain. Ang iba ay hindi nakalista sa ibaba. Maari lamang pong e-play ang video.


Ang sawikain ay kasabihan o' kawikaan na may dalang aral na maaaring tumukoy sa isang idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal. Ang sawikain ay tinatawag din na idioma. Ito'y salita o' grupo ng mga salitang patalinghaga ang gamit at hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan. Ang sawikain ay maari ring isang moto o mga parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao. Kadalasang malalim ang mga gamit na salita at pinapalitan ang pangkaraniwang pagtawag sa isang bagay at ginagawang matatalinhagang pahayag.

Mga Halimbawa ng Sawikain o Idyoma

halimbawa ng salawikain star Halimbawa ng Sawikain : Ikurus sa noo
Kahulugan: Tandaan
Halimbawa ng Gamit: Ang mga aralin sa eskwela ay dapat ikurus sa noo.

halimbawa ng salawikain star Halimbawa ng Sawikain : Butas ang bulsa
Kahulugan: walang pera
Halimbawa ng Gamit:  Nagsusugal si Juan kaya palaging butas ang bulsa.

halimbawa ng salawikain star Halimbawa ng Sawikain : Ilaw ng tahanan
Kahulugan: Ina
Halimbawa ng Gamit: Mahal na mahal namin ang aming ilaw ng tahanan.

halimbawa ng salawikain star Halimbawa ng Sawikain :  Bahag ang buntot
Kahulugan: Duwag
Halimbawa ng Gamit: Palibhasa bahag ang buntot mo kaya takot ka sa dilim.

halimbawa ng salawikain star Halimbawa ng Sawikain :  Ibaon sa hukay
Kahulugan: Kalimutan
Halimbawa ng Gamit: Ibaon mo na sa hukay ang nakaraan.

halimbawa ng salawikain star Halimbawa ng Sawikain : Balitang-kutsero
Kahulugan:  Balitang hindi totoo o' walang kasiguraduhan
Halimbawa ng Gamit: Kay naku, nagpapaniwala ka diyan kay Juan eh puro balitang-kutsero ang alam.

halimbawa ng salawikain star Halimbawa ng Sawikain :  Bukas ang palad
Kahulugan: Matulungin
Halimbawa ng Gamit: Ang mga taong bukas ang palad ay pinagpapala ng Panginoon.

halimbawa ng salawikain star Halimbawa ng Sawikain : Nagbibilang ng poste
Kahulugan: Walang trabaho
Halimbawa ng Gamit: Itong si Juan ubod ng tamad, araw araw nagbibilang ng posteBakit siya ay nagbibilang ng poste?

Para sa karagdagang halimbawa ng mga sawikain, e-click lang ang link na ito 👉 Halimbawa ng mga sawikain


May Katanungan Ka Pa Ba?

E-type sa loob ng box at pindutin ang Search
ano ang sawikain, ano ang idyoma