E-type lang ang katanungan sa loob ng box at pindutin ang search salawikain sawikain
Custom Search

Halimbawa ng Parabula Ang Batang Espesyal

Halimbawa ng Parabula Ang Batang Espesyal

Lima ang naging anak ni Mang Ramon at Aling Mila. Ang bunso na isang lalaki ay abnormal. Ang tawag dito ay mongoloid. Ang batang abnormal pinangalanan nilang Pepe. Malambot ang mga paa at mga kamay ni Pepe. Kahit na malaki na siya ay kailangan parin siyang alalayan ng kanyang ina sa paglalakad para hindi siya mabuwal. Ang kanyang bibig ay nakakibit kaya kung magsalita siya ay mahirap maintindihan.

Kahit naman abnormal ay mahal na mahal ng mag-asawa si Pepe. Noong maliit pa ito ay palitan ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanya. Hindi kinakitaan ng panghihinawa ang mag-asawa sa pag-aalaga sa anak. Kahit binata na ay palagi paring nakasunod sa kanya ang kanyang ina. Inaakay siya. Minsan ay sinusubuan siya. Pinapaliguan. Ano pa at malaking panahon ng kanyang inay ay sa kanya lamang naiuukol.



Ang hindi alam ni Aling Mila ay nagseselos na ang iba pa niyang anak. Napapansin ng mga ito na mas malaking oras ang ibinigay niya kay Pepe kaysa sa mga ito. Lingid sa kanya ay nag-usap-usap ang apat na magkakapatid. Napagkasunduan ng mga ito na kausapin siya para ipahayag sa kaniya ang kanilang mga hinanakit. Isang gabi matapos niyang patulugin si Pepe ay nilapitan siya ng apat na anak. Sinabi ng mga ito ang kanilang malaking mga hinanakit.

Gulat na gulat si Aling Mila. Hindi niya alam na nagseselos na pala ang apat niyang anak dahil sa sobrang pag aasikaso niya kay Pepe. Pero nakahanda na ang kanyang paliwanag sa mga ito.

"Kayo ay mga buo, walang kulang," pagsisimula ni Aling Mila.

"Kahit wala kami ng itay ninyo ay mabubuhay kayo ng maayos. Pero ang kapatid ninyo ay hindi, kung kaya siya ang higit naming inaasikaso," isa-isang tinitigan ni Aling Mila ang kanilang mga anak." Pero hindi naman namin kayo pinababayaan hindi ba?"

Walang nakasagot sa isa man sa apat. Hiyang-hiya silang lahat.


Antas ng Wika

Ang antas ng wika na madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya kabilang.

Antas ng Wika


Pambansa - Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.

Pampanitikan - Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay, talinghaga at masining.

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng antas ng wika:

Antas ng Wika halimbawa

Pormal - Ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.

Impormal - Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.

Lalawiganin - Ito ang mga bokabularyong pandayalekto. Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto.

Antas ng Wika halimbawa pambansa lalawiganin

Kolokyal - Ito’y mga pang-araw- araw na mga salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.

Antas ng Wika halimbawa kolokyal

Balbal - May katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan. Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng mga magulang at may pinag- aralan dahil masagwa raw pakinggan. Sa mga grupu-grupo nagsisimula ang pagkalat nito. Sila ang umimbento, sa gayon, para nga namang code, hindi maiintindihan ng iba ang kanilang pinag- uusapan. Pabagu-bago ang mga salitang balbal.

  Antas ng Wika halimbawa balbal