Kahit naman abnormal ay mahal na mahal ng mag-asawa si Pepe. Noong maliit pa ito ay palitan ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanya. Hindi kinakitaan ng panghihinawa ang mag-asawa sa pag-aalaga sa anak. Kahit binata na ay palagi paring nakasunod sa kanya ang kanyang ina. Inaakay siya. Minsan ay sinusubuan siya. Pinapaliguan. Ano pa at malaking panahon ng kanyang inay ay sa kanya lamang naiuukol.
Ang hindi alam ni Aling Mila ay nagseselos na ang iba pa niyang anak. Napapansin ng mga ito na mas malaking oras ang ibinigay niya kay Pepe kaysa sa mga ito. Lingid sa kanya ay nag-usap-usap ang apat na magkakapatid. Napagkasunduan ng mga ito na kausapin siya para ipahayag sa kaniya ang kanilang mga hinanakit. Isang gabi matapos niyang patulugin si Pepe ay nilapitan siya ng apat na anak. Sinabi ng mga ito ang kanilang malaking mga hinanakit.
Gulat na gulat si Aling Mila. Hindi niya alam na nagseselos na pala ang apat niyang anak dahil sa sobrang pag aasikaso niya kay Pepe. Pero nakahanda na ang kanyang paliwanag sa mga ito.
"Kayo ay mga buo, walang kulang," pagsisimula ni Aling Mila.
"Kahit wala kami ng itay ninyo ay mabubuhay kayo ng maayos. Pero ang kapatid ninyo ay hindi, kung kaya siya ang higit naming inaasikaso," isa-isang tinitigan ni Aling Mila ang kanilang mga anak." Pero hindi naman namin kayo pinababayaan hindi ba?"
Walang nakasagot sa isa man sa apat. Hiyang-hiya silang lahat.
No comments:
Post a Comment