E-type lang ang katanungan sa loob ng box at pindutin ang search salawikain sawikain
Custom Search

Araling Pilipino Ano ang Bugtong?

Ano ang Bugtong? 

Madalas nating marinig ang salitang "Bugtong, Bugtong". Ano nga ba ang Bugtong?
Araling Pilipino Ano ang Bugtong?

Ang bugtong (filipino riddles) ay isang pangungusap, minsan ito'y isang tanong, minsan naman ay tula na madalas mayroong doble at nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. Ito ay kadalasang nilalaro ng mga kabataan at ng mga nakakatanda. Ang bugtong ay tinatawag ding pahulaanpalaisipan o patuturan.


Masarap gawin ang bugtong bugtongan o' pahulaan dahil masaya ito at nakakaaliw. Marami sa ating mga bugtong ay naglalarawan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, kaisipan, pag-uugali, at katutubong.

Mga Halimbawa ng Bugtong:
1. Buto't balat lumilipad. 
    Sagot: Saranggola

2. Dalawang bangyasan, naghahagaran. 
    Sagot: Binti

3. Tubo sa punso, walang buko. 
    Sagot: Buhok

4. Limang puno ng niyog, isa'y matayog. 
    Sagot: Daliri

5. Dalawang balahibuhin, masarap pagdaitin. 
   Sagot: Mata at kilay


Pambansang Puno ng Pilipinas

Ang pambansang puno ng Pilipinas ay ang NARRA. 

pambansang puno ng Pilipinas, puno ng narra

Ang puno ng Narra ay kilala sa tawag na Pterocarpus indicus o' Red Sandalwood tree. Ito ay isang malakas, malaki, at malilim na puno. Ito ay isa sa mga pinakakilalang kahoy na ginagamit sa mga kasangkapan Kilala dahil katibayan nito. Tinatawag itong pambansang puno ng Pilipinas dahil ito ay matibay, mabigat at may magandang kalidad para sa mga karpintero sa Pilipinas sa paggawa ng mga bahay at muwebles. Karamihan sa mga puno ng Narra ay matatagpuan sa kagubatan ng Bicol, Mindanao at Cagayan Valley.

ibat ibang tawag ng narra, other names of narra treeIba't ibang Tawag ng Punong Narra:
Tagalog - Asana
Mangyan - Balauning
Kapampangan - Daitanag
Pangasinense - Odiau

Isa sa mga benepisyo ng puno ng Narra ay ang kanyang mga kahoy na matibay. Ginagamit ito sa mga kasangkapan ng mga karpintero sa Pilipinas. Ang punong Narra ay nagbibigay ng mga matitibay na kahoy, mahirap tablan ng anay at may mala rosas na bango. Ang mga bulaklak ng puno ng narra ay nakakain.

Araling Pilipino Ano ang Kahulugan ng Watawat ng Pilipinas

Ano ang Kahulugan ng Watawat ng Pilipinas?
Sa video na ito ay malalaman ninyo ang mga simbolismo at kahulugan ng kulay at desenyo ng ating watawat.

Ang watawat ng Pilipinas ay bandila na sumisimbolo sa bansa. Ang watawat ng Pilipinas ay may kahulugan o mga mahahalagang pangyayari na inilalarawan ukol dito. 

watawat ng pilipinas flag of the Philippines
Ang sinisimbolo ng araw sa watawat ng Pilipinas ay ang bukang liwayway o simula ng pagsasarili ng ating bansa na ibig makamit noong 1897 pagkatapos na madesinyuhan ang watawat subalit nakamit lamang ang ating kalayaan noong taong 1946.

Ang tatlong (3) star ay sumisimbolo sa tatlong (3) malalaking pulo sa Pilipinas, ang Luzon, Visayas at Mindanao.




Ang walong (8) sinag ng araw naman ng araw ay sumisimbolo sa walong (8) probinsiya na nag-alsa laban sa pamumuno ng espanya noong mga 19th na dekada para makamit ang ating kalayaan. Ang walong (8) probinsiyang ito ay ang Manila, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Laguna, Batangas, at Cavite.

kahulugan ng walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas

Ang puting tatsulok ay sumisimbolo ng Katipunan. Ang pulang stripe naman ay simbolo ng katapangan at kagitingan. Ang asul naman na stripe ay sumisimbolo naman ng mga noble ideals.

Para madaling matandaan, narito ang maiksing dapat tandaan sa kung anoang kahulugan ng mga kulay sa watawat ng Pilipinas:

Asul - kapayapaan 
Pula - katapangan
Puti - kalinisan
Tatlong (3) bituin - pulo ng pilipinas
Walong (8) sinag ng araw - walong probinsyang nag alsa laban sa pamumuno ng espanya.

Araling Pilipino Ano ang Wika

Ang wika ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, paraan ng paghahatid ng ideya at damdamin. Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. 

Araling Pilipino Ano ang Wika

Ang wika ay kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sapamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag saparaang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisaang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Alamat ng Sampaguita

Ang Sampaguita ay ang Pambansang Bulaklak ng Pilipinas at isa sa mga pinakasikat na mga bulaklak sa Pilipinas dahil sa bango nito at sa pagiging simple.

Ayon sa alamat ng Sampaguita, ang salitang SAMPAGUITA ay nagmula sa salitang "SUMPA KITA". Basahin sa baba ang Alamat ng Sampaguita.

alamat ng sampaguita, picture sampaguita

alamat ng sampaguita story, picture sampaguita, legend of sampaguita


Hugot Lines About Love Dear Crush

Paano mo malalaman na may gusto sa iyo ang isang tao? Una, sa tingin. Parang ikaw, kung may crush ka sa isang tao at hindi niya alam, siyempre dinadaan mo sa sulyap. Paano kung hindi pa rin pansin ng crush mo ang mga titig mo? Daanin mo nalang sa "hugot lines".

 hugot lines about love, dear crush hugot lines

Ikaw, anong "dear crush hugot line mo"?