HomePage| Mga Alamat | Mga Bayani | Mga Bugtong | Mga Epiko | Mga Katutubong Kanta | Mga Pabula | Mga Parabula
Mga Sawikain o' Idyoma | Mga Salawikain | Mga Pambansang Sagisag | Listahan ng Pangulo ng Pilipinas | Wikang Filipino| Mga Kahulugan ng Panaginip| Horoscope Ngayong Araw | MagSubscribe sa ating YouTube Channel
Kahulugan ng Panaginip ng Tubig (Pamahiin) | Meaning of Dreams
Tunay na Yaman ni Ai Bernardo
Si Juan ay isang simpleng magsasaka na nagmumula sa isang maliit na baryo sa probinsya. Magkasama sila ng kanyang pamilya sa kanilang maliit na bahay, at ang kanilang pangarap ay simpleng buhay at masaganang ani mula sa kanilang sakahan.
Isang araw, habang si Juan ay nag-aararo sa kanyang bukid, natagpuan niya ang isang maliit na butil ng ginto sa gitna ng kanyang lupa. Napalakip ang kanyang mga mata sa pagkakakita nito at agad na kinuha ang gintong butil. Ngunit, hindi siya pinalad sa pagkuha ng kahit isang ginto lamang dahil napansin niyang may isang maraming gintong butil sa ilalim ng lupa.
Binuo niya ang lakas ng loob at nagsimulang maghukay. Sa kanyang paghuhukay, natagpuan niya ang isang kayamanan ng mga gintong butil na nagkalat sa ilalim ng kanyang bukid. Hindi niya maunawaan kung paano ito nangyari, ngunit siya ay labis na nagpapasalamat.
Dahil sa kayamanang ito, naging kilala si Juan sa kanilang baryo. Nagsimulang bumisita ang mga tao mula sa malalayong lugar upang humingi ng tulong at manghiram ng ilang gintong butil. Naging mabait si Juan at pinayagan ang mga nangangailangan na kumuha ng ilan sa kanyang yaman.
Ngunit sa paglipas ng mga buwan, ang pagiging mayaman ay hindi na nauukit sa puso ni Juan. Nag-iba na siya, at naging labis na ambisyo para sa kanyang kayamanan. Nagkaroon siya ng mga kaaway at nagsimulang malimutan ang kanyang mga kaugalian bilang isang mabuting tao.
Isang araw, habang si Juan ay nagmamasid sa kanyang gintong butil, napagtanto niya ang kahalagahan ng pagiging mapagbigay at tunay na mabuting tao. Naalala niya ang mga oras na sila'y masaya kahit wala silang kayamanan. Sa pagmumuni-muni ni Juan, nagpasya siyang ibalik ang kanyang buhay sa dating kalagayan.
Nag-umpisa siyang magbahagi ng kanyang kayamanan sa mga nangangailangan, at itinapon niya ang kanyang ambisyon sa pag-aari ng lahat ng gintong butil. Naging masaya ulit ang kanyang pamilya, at ang mga tao sa kanilang baryo ay nagpasalamat sa kanya sa kanyang kabutihang loob.
Sa huli, natutunan ni Juan na ang tunay na yaman ay hindi matutuklasan sa mga gintong butil, kundi sa pagiging mabuti at mapagbigay sa kapwa. Ang kanyang buhay ay nagpatunay na ang kahalagahan ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pagharap ng mga pagsubok.
Kapalaran Mo 2022 Prediksyon ayon sa Feng Shui | Chinese Zodiac 2022 Year of the Tiger Prediction
E-play ang video sa baba.
Ano ang Epiko? Ano ang Katangian ng Epiko at Mga Halimbawa ng Epiko
Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
Anekdota, Kahulugan at Mga Halimbawa
Nobela, Layunin ng Nobela, Katangian ng Nobela, Mga Uri ng Nobela at mga Halimbawa ng Nobela
Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila.
Ang nobela ay isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
Layunin ng Nobela:
1. gumising sa diwa at damdamin
2. nananawagan sa talino ng guni-guni
3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
6. nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
7. napupukas nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela
Katangian ng Nobela
1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
2. pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
5. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
6. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
7.ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
8. malinis at maayos ang pagkakasulat
9. magandang basahin
10. maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan
Mga Halimbawa ng Nobela
1. Mga Ibong Mandaragit - Amado V. Hernandez
2. Lalaki Sa Dilim - Benjamin M. Pascual
3. El filibusterismo - Jose Rizal
Uri ng Nobela
1. Nobelang Romansa : Ukol sa Pagkakaibigan.
2. Kasaysayan: Bininigyang diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay: Isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa.
4. Nobelang masining: Paglalarawan sa tauhan at pagkasunod-sunod na pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa.
5. Layunin: mga layunin at simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao.
6. Nobelang tauhan: Binibigyang-diin sa nobelang ito ang tauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin, kalagayan, sitwasyon .
7. Nobelang pagbabago: Ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema.
Si Mariang Mapangarapin | Halimbawa ng Kwentong Bayan
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.
At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.
Maswerteng Prutas sa Bagong Taon 2021 | Pampaswerte 2021 Swerteng Prutas | Lucky Fruits for 2021
Narito po ang mga maswerteng prutas ngayong taon. Eplay ang video sa baba.
Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto (Isang Alamat mula sa Lungsod ng Baguio )
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taon-taon ay nagdaraos sila ng cañao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito.
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mangaso. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kaniyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kakaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil.
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto. Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang nakita.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kaniyang pangangaso. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Sabi ng isang matanda,“Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng cañao.”
“Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng cañao,” ang pasiya ni Kunto.
Ipinagbigay-alam sa lahat ang cañao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain.
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila.
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay-lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan. Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Natakot sila.
Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika ng ganito: “Mga anak,magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.”
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong cañao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito.
Makikita ninyo ang isang punongkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga, dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda. Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punongkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw—lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon.
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa punongkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon.
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk. Ang dati nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punongkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao.
Isang araw, sabi ng isang mamamayan, “Kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.” Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat. Nang malapit nang mabuwal ang punongkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubod-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit.
Nabuwal ang punongkahoy. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan: ang punong-ginto, upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan, kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.”
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nakukuha lamang ang ginto sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.