Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’. Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko.
Mga Katangian ng Epiko
Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao
Mga inuulit na salita o parirala
Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.)
Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.
HALIMBAWA NG EPIKO
Biag ni Lam-ang (Ilocos)
Hudhud: Kwento ni Aliguyon (Ifugao)
Ibalon (Bicol)
Kudaman (Palawan)
Manimimbin (Palawan)
Ullalim (Kalinga)
2. Epiko ng Visayas
Hinilawod (Panay)
Humadapnon (Panay)
Labaw Donggon (Bisayas)
Maragtas (Bisayas)
3. Epiko ng Mindanao
Bantugan
Darangan (Maranao)
Indarapatra at Sulayman (Maguindanao)
Agyu
Bidasari
Olaging (Bukidnon)
Sandayo (Zamboanga)
Tudbulul
Tuwaang
Ulahingan
Ulod
No comments:
Post a Comment