E-type lang ang katanungan sa loob ng box at pindutin ang search salawikain sawikain
Custom Search

Bugtong Bugtong 2


bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Sinampal ko muna bago inalok.
Sagot: Sampalok

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
Sagot: Kalabasa

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw


bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Munting tampipi, puno ng salapi.
Sagot: Sili

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: Ampalaya

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan.
Sagot: Dahon ng gabi

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang katuray.
Sagot: Talong

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: Baril

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Huminto nang pawalan, lumakad nang talian.
Sagot: Sapatos

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: Kamiseta

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Walang sala ay ginapos, tinapakan pagkatapos.
Sagot: Sapatos

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong: Nang maliit ay mestiso nang lumaki ay negro.
Sagot: Abo ng sigarilyo

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:May dahon ay di halaman, maraming mukha'y walang buhay ang laman ay karunungan.
Sagot: Aklat

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Pagsipot pa lang sa maliwanag, kulubot na ang lahat.
Sagot: Ampalaya


Maari niyo ring e-play ang video sa baba. Mas mainam ito sa mga mag-aaral. Ang sagot ay lilitaw pagkatapos ng ilang segundo. Mabisa ito sa mga may test at gustong mamemorya ang mga bugtong.