E-type lang ang katanungan sa loob ng box at pindutin ang search salawikain sawikain
Custom Search

Salawikain Tungkol sa Buhay

salawikain tungkol sa buhay at kahulugan nito

Mga Halimbawa ng Salawikain tungkol sa buhay:

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Ang buhay ay parang gulong. Minsan sa ibabaw, minsan sa ilalim.
Kahulugan: Katulad ng gulong, ang buhay ng tao ay umiikot. Minsan masaya, minsan malungkot. Hindi dapat paghinaan ng loob kung mayroon mang mga problemang hinaharap dahil iikot din ang takbo ng buhay.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Kapag may itinanim, may aanihin.
Kahulugan: Kapag mayroon kang ginagawa, mayroon kang resulta na makukuha. Kapag nagtanim ka ng kabutihan sa kapwa, mayroon ka ring kabutihan na makukuha balang araw. Kapag nagtanim ka ng sama ng loob o' galit sa kapwa, darating rin ang panahon na ikaw ay aani ng masamang epekto sa ginawa mo. 

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay :  Ang buhay ay parang tanghalan. Lahat tayo ay may papel na ginagampanan.
Kahulugan: Katulad ng mga tauhan sa tanghalan, bawat isa sa atin ay may kanya kanyang tungkulin at responsibilidad.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Sumayaw ka na parang walang nanonood sayo.
Kahulugan: I enjoy mo ang iyong buhay na parang walang nakatingin sayo at walang taong pupuna kung magkamali ka man. Huwag mag-alinlangangan.  

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Huwag kang umiyak dahil natapos na, ngumiti ka dahil nangyari ito.
Kahulugan: Ang salawikain na ito ay isang paalala na sa buhay natin, kailangan nating itoon ang ating pansin sa mga magagandang bagay at positibong pangyayari na idinulot ng isang bagay.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Maniwala ka't tahakin ang direksyon ng iyong mga pangarap!
Kahulugan: Kailangan mong tibayan ang iyong kalooban at sundin ang daan tungo sa pag-abot ng iyong mga pangarap.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Ang tao ay nakikilala sa mga kaibigan niya.
Kahulugan: Ang salawikain na ito ay isang paalala na kailangan nating piliing mabuti ang ating mga kaibigan dahil madalas iniisip ng mga tao na kung ano ang katangian ng iyong mga kaibigan, iyon din ang katangian mo.Kung mababait ang iyong kaibigan, malamang mabait rin ang tingin sa iyo ng mga tao. 

Salawikain Tungkol sa Buhaysawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay :  Kung ano ang taas ng paglipad, siyang lagapak kung bumagsak.
Kahulugan: Ang ibig sabihin ng salawikain na ito ay pagpapakumbaba. Kailangan nating panatilihin ang kababaan ng loob at hinay hinay lang sa buhay. Iwasan ang kayabangan upang kabiguan ay di makamtan.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Ang paglalakbay ng isang libong milya ay nagsisimula sa isang hakbang.
Kahulugan: Ang salawikain na ito ay nagpapaalala sa atin na kailangan nating magsimula. Huwag mong isipin kung gaano kalaki ang proyekto o' kung gaano katagal ito matatapos. Ang mahalaga ay simulan mo na ito.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
Kahulugan: Ang salawikain na ito ay nagpapaalala na sa buhay natin, kailangang pag-isipan ng mabuti at ng maraming beses ang mga desisyon na gagawin.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Kung ano ang ayaw mo, huwag gawin sa iba
Kahulugan: Ang  salawikaing ito ay nagpapaalala sa atin ng respeto sa kapwa. Ang mga bagay na hindi mo gusto ay hindi mo rin dapat ginagawa sa kapwa mo.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Ang lahat ay may kagandahan, ngunit hindi lahat ay nakakata nito.
Kahulugan: Ang salawikain na ito ay nagsisilbing paalala na mas bigyan natin ng pansin ang kagandahan sa buhay. May mga taong hindi nakakakita sa positibong anyo ng mga bagay. Kung bubuksan lang natin ang ating mga mata, maraming magagandang bagay at pangyayari na nakapalibot sa mundo.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Huwag tumira sa nakaraan, huwag managinip ng hinaharap, itoon ang isip sa kasalukuyang sandali.
Kahulugan: Ang salawikain na ito ay isang paalala na ang nakaraan ay lumipas na at ang bukas ay hindi pa nagaganap. Mas kailangang mas bigyan ng pansin ang sa kung ano ngayon. Iwasang manghinayang sa nakaraan at mangamba sa hinaharap. Ang importante ay ang ngayon.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Ang buhay na ito ay parang isang swimming pool. Sumisid ka sa tubig, ngunit hindi mo makita kung gaano ito kalalim.
Kahulugan: Ang buhay ay matalinghaga. Hindi mo alam kung ano ang maaaring mangyari kaya dapat sumabay ka lang sa galaw ng panahon.

May tanong ka pa ba? E-type sa loob ng box at pindotin ang search.
Custom Search


Sino ang Gumawa ng Watawat ng Pilipinas

Sino ang Gumawa ng Watawat ng Pilipinas


Ang watawat ng Pilipinas ay unang naisip gawin ni Heneral Emilio Aguinaldo. Konsepto niya ang orihinal na watawat ng Pilipinas. Ang watawat ng Pilipinas ngayon ay medyo iba kompara sa orihinal na konsepto ni Heneral Emilio Aguinaldo. Mas marahan ang kulay asul nito kaysa sa kasalukuyang pinag-uutos na kulay royal blue, mas marami itong sinag noon pero walo rin ang naging mga dulo, at may mahiwagang mukha sa araw nito.

pinakaunang desenyo ng watawat ng Pilipinas

Malaki ang impluwensya ni Heneral Emilio Aguinaldo sa disenyo ng watawat ng Pilipinas kaya maituturing siyang Ama ng ating Pambansang Bandila. Ito ang isa sa pangunahing pamana niya sa bansa kasama na ang himig ng ating Pambansang Awit na siya rin ang nagpagawa.



Sino ang nagtahi ng watawat ng Pilipinas?

Tatlong tao ang unang nagtahi ng unang watawat ng Pilipinas. Sina (1) Marcela MariƱo Agoncillo at ang kanyang batang anak na noon ay limang-taong gulang lamang na si (2) Lorenza, at ang pamangkin ni Doktor Jose Rizal na si (3) Delfina Herbosa de Natividad. 


sino ang tumahi ng unang watawat ng pilipinas

Saan tinahi ang Watawat ng Pilipinas? 

Ginawa nila ang bandila sa Happy Valley, Hongkong taong 1898.

May tanong ka pa ba? E-type sa loob ng box at pindutin ang search.
Custom Search

Alamat ng Buwitre

Alamat ng Buwitre, alamat ng hayop

Napakatagal na panahon na ang nakararaan ng mangyari ang pagsumpa ng mga magulang sa isang batang babae na may pangalang Bereti. Si Bereti ay mula sa angkan na may maalwang buhay. May malawak na lupain ang kanyang mga magulang. Marami silang pananim. Marami rin silang mga alagang hayop. Bunso si Bereti at paborito ng ama. Dala marahil na nakakamit ang lahat kaya may hinahanap si Bereti sa buhay. Ibig niyang maranasan ang mga bagay na kaiba sa kinalakihan.

Si Aling Juana ang tagalaba ng pamilya. May anak itong laging isinasama sa paglalaba. Ito si Karing. Halos magkasing-edad sila ni Bereti kaya madaling nagkalapit ang mga loob. Ani Karing ay naiinggit ito kay Bereti dahil nakukuha ang lahat ng gusto. Ang sabi naman ni Bereti ay naiinggit kay Karing dahil marami itong bagay na nararanasan na hindi niya nararanasan.

Mula noon ay laging magkasama ang dalawa. Mabait ang pamilya ni Aling Juana kaya panatag ang loob ng ama't ina ni Bereti. Nalaman ni Bereti na madalas sumala sa oras sina Karing. Kapag walang makain ay naghuhukay ng mga gabi, tugi o anumang halamang ugat sina Karing para maipantawid-gutom. Nagkakasya rin ang pamilya na mamulot ng mga tirang pagkain na maaari pang pakinabangan.
Hindi maunawaan ni Bereti ngunit eksayted siya sa buhay nina Karing. Nakikihukay siya ng mga halamang ugat at namumulot ng tirang pagkain. Nakikisalo siya sa pamilya at totoong nasisiyahan siya. Galit ng galit ang ama ni Bereti nang may nakapagsabi na namumulot at kumakain ng tirang pagkain ang anak. Hinanap nito si Bereti noon din. Gulat na gulat ang ama nang makita si Bereti kasama ng ilan pang mga bata na hila ang isang kamama-tay na kambing. Ani Bereti ay kinagat ng malaking aso ang kambing kaya namatay. Aniya pa ay kakarnehin nila ang kambing para kainin.

Nagpuyos sa galit ang ama. Kinagalitan si Bereti at pinauwi ngunit ayaw sumunod ng bata.

"Kung ang gusto mo ay kumain ng mga tira at karne ng mga namatay na hayop, sige, magpakabusog ka. At para mas maging masaya ka, habang buhay sanang ganyan na lang ang kainin mo!" wika ng ama.

Kinabukasan ay nawala si Bereti. Sa halip, isang ibong kahawig ng agila ang nakitang kumakain ng isang patay na baka.

Ayon sa marami ay si Bereti ang ibong iyon na isinumpa ng ama. Tinawag silang Bereti ang ibon pero dahil hindi pa gaanong marunong bumigkas ang isang bata ay buwitre kung tawagin ito. Mula noon ay tinawag ng buwitre ang ibon.

Ang Alamat ng Makahiya

Alam niyo ba ang Alamat ng Makahiya? Ang Makahiya ay isang uri ng halaman na tinuturing na damong ligaw. Maaring nakita niyo na ito lalo na noong kabataan ninyo habang naglalaro sa labas ng bahay. Madalas itong tumutubo saan man sa mabababang lugar sa buong kapuluan ng Pilipinas. Kilala ang Makahiya dahil sa katangian nito na tumitiklop ang dahon kapag hinawakan. Ang mga sanga nito ay napalilibutan ng tinik at may bulaklak na kulay rosas.

Narito ang Alamat ng Makahiya...

Noong araw, may isang halamang ligaw na tumutubo sa gubat. Ito ay napakaganda. Ang dahon nito ay pinung-pino. Ang bulaklak nito ay kulay lila na kikislap-kislap tulad ng mga bituin. Dahil dito, naging mapagmalaki ang halamang ligaw.

Minsan, umulan nang malakas. Ang masipag na si Langgam na naghahakot ng inipong pagkain ay inabot ng ulan sa daan. Lumaki ang tubig kaya umakyat si Langgam sa pinakamalapit na halaman. Nagkataong ito pala ang halamang ligaw.



Nagalit ang halamang ligaw. Ipinagtabuyan niya ang kaawa-awang si Langgam Inuga niya ang kanyang mga tangkay kaya nahulog sa tubig ang kaawa-awang si Langgam. Naawa si Alitaptap kay Langgam. Pumitas siya ng dahon at inianod sa tubig. Kumapit dito si Langgam at siya ay nasabit sa Punong Tubo. Pinatuloy siya ni Tubo at binigyan pa siya ng pagkain.

Ang buong pangyayari ay nakita ni Diwata, ang makatarungang pinuno ng hayop at halaman. Pinagkalooban niya ng gantimpala ang maawaing si Tubo at si Alitaptap. Binigyan ni Diwata ng ilaw si Alitaptap at ginawa niyang matamis ang Punong Tubo. Samantala pinarusahan ni Diwata ang palalo at mapagmalaking halamang ligaw. Nawala ang taglay nitong bango at siniputan ng mga tinik ang kanyang katawan. Nahiya ang halamang ligaw kaya itinitikom niya ang kanyang mga dahon tuwing ito'y masasaling. Mula noon, nakilala ang halamang ligaw sa tawag na Makahiya.