E-type lang ang katanungan sa loob ng box at pindutin ang search salawikain sawikain
Custom Search

Bugtong Bugtong

 
bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong: Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: Tenga

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong: Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
Sagot: Mga paa

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong: Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: Mga mata


bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan.
Sagot: Suso ng Ina

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:May tubig na pinagpala, walang makakakuha kundi bata.
Sagot: Suso ng Ina

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
Sagot: Ngipin


bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: Langka

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
Sagot: Bayabas

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy


bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Isang tabo, laman ay pako.
Sagot: Suha

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman milagroso.
Sagot: Santol
bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongbugtong bugtong, halimbawa ng bugtong bugtong bugtong, halimbawa ng bugtong
bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Bulaklak muna ang dapat gawin bago mo ito kanin
Sagot: Saging

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Hindi Lingo, hindi piyesta, naglawit ang bandera
Sagot: Dahon ng Saging

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Tatlong bundok ang tinibag bago narating ang dagat.
Sagot: Niyog
bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongbugtong bugtong, halimbawa ng bugtongbugtong bugtong, halimbawa ng bugtong
bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
Sagot: Maisg

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Bahay ni Gomez, punung-puno ng perdigones
Sagot: Papaya

bugtong bugtong, halimbawa ng bugtongBugtong:Nang maglihi’y namatay, nang manganak ay nabuhay.
Sagot: Puno ng Siniguelas

Ang Bulaklak na Mirasol

Ano ang bulaklak na Mirasol? Ang mirasol o' hirasol (kilala sa Ingles bilang "sunflower" na ang literal na kahulugan ay "bulaklak na araw") ay mga halamang matatangkad na nagkakaroon ng malalaking mga bulaklak na kulay dilaw ang mga talulot ngunit kayumanggi ang gitnang bilog na bahagi.
bulaklak na mirasol, sunflower
Ang masaya at tila nakangiting mukha ng mirasol (sunflower) sa hardin ay nakapagpapasigla. Lalo na ang isang malawak na bukiring punung-puno ng kanilang matingkad na dilaw na mga bulaklak! Sumusunod sa galaw ng araw ang mga ito. Karaniwang matataas ang mga halamang ito na namumulaklak sa buong panahon ng taon, umaabot sa taas na 50 - 390 sentimetro.

E-play ang video at pagmasdan ang kagandahan ng malalaking Mirasol.

Ang pangalan ng mirasol sa wikang Latin, na Helianthus annuus, ay hinango mula sa mga salitang Griego na nangangahulugang “araw” at “bulaklak” at sa salitang Latin na nangangahulugang “taunan.” Gustung-gusto ng maraming tao bilang kukutin ang mga buto ng mirasol na tinusta nang bahagya at nilagyan ng kaunting asin. Ang mga buto ng mirasol ay ginagamit ding patuka sa mga ibon at pagkain ng maliliit na hayop. Ang bukid ng mirasol ay paraiso ng mga pukyutan —ang isang ektarya ng mirasol ay mapagkukunan ng 25 hanggang 50 kilo ng pulot-pukyutan.

Salawikain Tungkol sa Pag ibig

E-play lang po ang video sa baba
Salawikain Tungkol sa Pag ibig pili ng pili natapatan bungi
Salawikan Tungkol sa Pag-ibig: Ang pili nang pili natapatan ay bungi.
Ang ibig sabihin ng salawikain na ito ay kapag pili ka nang pili ay ang makukuha mo ang hindi mo gaano kagustong bagay. Huwag masyadong maging mapili. Maging sakto lang.

Salawikain Tungkol sa Pag ibig prusisyon simbahan rin ang tuloy
Salawikain Tungkol sa Pag ibig: Pagkahaba haba man ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy.
Ang ibig sabihin ng salawikan ng ito ay sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan.


Salawikain Tungkol sa Pag ibig pagaasawa ay hindi biro
Salawikan Tungkol sa Pag-ibig: Ang pag-aasawa ay hindi biro. Di tulad ng kanin iluluwa kapag napaso.
Ang ibig sabihin ng salawikain na ito ay hindi biro ang pag-aasawa. Ito ay isang desisyon na pinag-iisipang mabuti at pinaghahandaan bago pasukin dahil sa panahon ng paghihirap at problema, ang mag-asawa ay dapat magkasabay na humaharap sa mga suliranin sa halip na tumiwalag at tumakas.

Salawikain Tungkol sa Pag ibig pagsasama ng tapat pagsasama ng maluwat
Salawikain Tungkol sa Pag ibig: Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat.
Ang ibig sabihin ng salawikain na ito ay, "ang pagsasalita ng katotohanan ay mahalaga upang manatiling matatag at mahaba ang pagsasama".


Salawikain Tungkol sa Pag ibig batang puso madaling marahuyo
Salawikain Tungkol sa Pag ibig: Batang puso, madaling marahuyo
Ang ibig sabihin ng salawikain na ito ay, hindi dapat magpadalos-dalos ang mga kabataan dahil ang batang puso at madaling maakit. Dapat pinag-iisipang mabuti ang mga desisyon.


Salawikain Tungkol sa Pag ibig walang matiyagang lalaki sa pihikang babae
Salawikain Tungkol sa Pag-ibig: Walang matiyang lalaki sa pihikang babae.
Ang ibig sabihin ng salawikain na ito ay, kahit pa ano ang gawing panunuyo ng isang lalaki kung ayaw talaga ng babae rito ay wala ring mangyayari. Ipinababatid ng salawikain na ito na hindi natin mapipilit ang isang tao kung ayaw talaga nito sa atin. Marahil ay ibaling nalang sa iba ang pagtingin sa iba. 

Mga Pambansang Sagisag ng Pilipinas

Mga Pambansang Sagisag ng Pilipinas. Pindutin lang ang mga larawan upang mabasa ang karagdagang impormasyon patungkol dito.




Pambansang Awit ng Pilipinas - Lupang Hinirang
Pambansang Bayani ng Pilipinas - Dr. Jose P. Rizal.

Pambansang Bulaklak ng Pilipinas - Sampaguita
Pambansang Kasuotan ng mga Lalaki - Barong Tagalog
Pambansang Kasuotan ng mga Babae - Baro't Saya