E-type lang ang katanungan sa loob ng box at pindutin ang search salawikain sawikain
Custom Search

Mga Salawikain Tungkol sa Buhay 2


sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Walang malaki na nakakapuwing.
Kahulugan: Ang salawikain na ito ay nagpapaalala sa atin na hindi natin dapat minamaliit ang anuman o sinuman dahil sa kanilang kaliitan sa katwirang may mga bagay itong nagagawa na maaaring higit pa sa iyong kakayahan.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
Kahulugan: Ang salawikain na ito ay nagpapahiwatig na kailangan marunong tayong mag adjust sa buhay. Kailangang marunong kang magtiis at magtipid ayon lang sa kung anong kaya mo. 

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Ang latang walang laman ay maingay.
Kahulugan: Ang salawikaing ito ay tumutukoy sa mga taong mahilig mag-ingay subalit wala namang masyadong alam sa buhay katulad na lamang sa mga taong puro salita lamang ngunit kung pakikinggan mo ay wala namang katuturan ang mga sinasabi.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
Kahulugan: Kung hindi mo pinagpaguran ang pera mo o' kung ano mang meron ka, hindi ka maghihinayang na gastahin ito o' ipamigay. 

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Huwag magbilang ng sisiw hanggat hindi pa napipisa ang itlog.
Kahulugan: Ang salawikain na ito ay isang paalala na huwag manigurado hanggat hindi pa nagyayari ang isang bagay. Huwag mo munang isipin o' kwentahin habang hindi pa tapos ang lahat.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda.
Kahulugan: Ang salawikaing ito ay nagsasabi ng habang bata pa, kailangang turuan ng tama dahil kung ano ang nakasanayan ng bata, hindi niya ito makakalimutan hanggang sa kanyang pagtanda.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
Kahulugan: Ang salawikain na ito ay nagsisilbing paalala na mas mabuti ang sumagot ng mahinahon at magalang dahil nagpapalambot sa pusong galit.

Para sa karagdagang mga salawikain tungkol sa buhay, e-click ang link sa baba:
araling pilipino Mga Salawikain Tungkol sa Buhay 1

May tanong ka pa ba? E-type sa loob ng box at pindotin ang search.



MGA KATEGORYA NG ARALING PILIPINO
Mga Alamat
Mga Bayani
Mga Bugtong
Mga Epiko
Mga Katutubong Kanta
Mga Pabula
Mga Parabula
Mga Sawikain o' Idyoma
Mga Salawikain
Mga Pambansang Sagisag
Pangulo ng Pilipinas
Wikang Filipino

Walong Lalawigan na Sumisimbolo sa Watawat ng Pilipinas

Alam niyo ba kung ano ang walong lalawigan na sumisimbolo sa watawat ng pilipinas?
Ang walong (8) lalawigan na sumisimbolo sa walong sinag ng araw?



Ang walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas ay sumasagisag sa walong (8) lalawigan na unang nag-alsa laban sa paumuno ng mga Kastila noong ika 19th na dekada para makamit ng Pilipinas ang kalayaan.

walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas
Ang walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas ay kumakatawan sa lalawigan ng:

1. Maynila
2. Bulacan
3. Cavite
4. Laguna
5. Tarlac
6. Nueva Ecija
7. Pampanga at
8. Batangas

May katanungan ka pa ba? E-type sa loob ng box at pindotin ang search.
Custom Search
walong lalawigan na sumisimbolo sa watawat ng pilipinas

Mga Salawikain Tungkol sa Edukasyon

Hanap mo bay mga Salawikain tungkol sa edukasyon?

Ang edukasyon o pag-aral ay napakahalaga hindi lamang sa ating mga Pilipino kundi sa lahat ng tao ng mundo sapagkat ang edukasyon ay kayamanang hindi naaagaw ng kahit sino man. Lahat pweding mawala sa iyo, pero ang iyong karunungan ay hinding hindi mananakaw. Dahil dito, hangad ng mga magulang na makapagtapos ang kanilang mga anak.

E-play ang video sa baba


Salawikain Tungkol sa Edukasyon
Maraming ginintuan Salawikain Tungkol sa Edukasyon, pag-aaral at karunungan na nagsisilbing gabay at paala-ala sa atin, upang magsumikap at tuparin ang ating mga mithiin,  Narito ang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa edukasyon, karunungan at pag-aaral:


Salawikain Tungkol sa Edukasyon 
(Salawikain Tagalog):

1.Ang taong mapagtanong, daig ang marunong.
2.Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.
3. Ang lakas ay daig ng paraan.
4.Ang isip ay parang itak, sa hasa tumatalas.
5. Ang karunungan ay kayamanan gamitin sa kabutihan.
6. Ang taong mapagtanong, daig ang marunong.
7. Ang panahon ay samantalahin, sapagka't ginto ang kahambing.
8. Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.
9. Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.
10. Mag-aral ng mabuti upang buhay ay mapabuti.
11. Maliit man ang butil ng kaalaman, ang dulo nito at malaking kaginhawaan.
12. Huwag paaalipin sa hirap at kamangmangan. Pag-aaral ay igapang upang ito ay mawakasan.
13. Iba ang may natapos, dahil pang-unawa ay hindi kapos.
mga salawikain tungkol sa edukasyon tagalog14. Sa dulo ng paglalakbay ng aral na walang humpay, buhay na matiwasay ang kanya namang alay.
15. Ang wastong edukasyon ay pahalagahan. Ito ay susi sa iyong kinabukasan.
16. Ang edukasyon ay ang pundasyon kung saan itinatayo natin ang ating kinabukasan.
17. Ang edukasyon ay ang susi upang buksan ang ginintuang pinto ng kalayaan.
18. Ang edukasyon ay ang kilusan mula sa kadiliman hanggang sa liwanag.
19. Ang lahat ng tunay na edukasyon ay ang arkitektura ng kaluluwa.
20. Kung ang isang tao ay nagpapabaya ng edukasyon, lumalakad siya sa pilay sa dulo ng kanyang buhay.


Salawikain in English:
1. A child without education is like a bird without wings.
2. Education is not the learning of facts, but the training of the mind to think.
3. Education is the most powerful weapon which you can use to change the world.
4. An investment in knowledge pays the best interest.
5. Education is what remains after one has forgotten what one has learned in school.
6. Develop a passion for learning. If you do, you will never cease to grow.



Bahagi ng Pangungusap at mga Halimbawa

Noong nakaraan, nailathala namin ang ibig sabihin ng Pangungusap. Ngayon naman ay tatalakayin natin ang bahagi o' balangkas ng pangungusap.
bahagi ng pangungusap

Ang pangungusap ay may dalawang (2) bahagi.

Bahagi ng Pangungusap
1. PAKSA O' SIMUNO - Ito ang bahaging nagpapahayag ng pinag-uusapan o' pinagtutuunan ng pansin sa pangungusap. Ito ay maaaring tao, hayop, bagay, lugar, o' pangyayari na gumaganap ng kilos o' pinagtutuunan ng diwang isinasaad ng pandiwa.

 Halimbawa ng Paksa (pulang titik):  
1. Sinusubaybayan ng mga mamamayan ang imbestigasyon ukol sa katiwalian sa pamahalaan.
2. Nag-aalaga si Rosanna ng baboy at manok.


2. PANAGURI- Ito ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng impormasyon o' kaalaman tungkol sa paksa.

  Halimbawa ng Panaguri (pulang titik):  
1. Sinubaybayan ng mga mamamayan ang imbestigasyon ukol sa katiwalian sa pamahalaan.

Ano ang Pangungusap

Alam niyo ba kung ano ang kahulugan ng pangungusap?


pangungusap halimbawa, halimbawa ng pangungusap

Kahulugan ng Pangungusap

Pangungusap - Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa. It ay maaaring isang salita lamang o' lipon ng mga magkakaugnay na salita na nagpapahayag ng buong diwa o' kaisipan. Ang Pangungusap ay binubuo ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.

pangungusap halimbawa, halimbawa ng pangungusap
Halimbawa ng Pangungusap:
1. Si Maria ay maganda.
2. Si Romeo at Juliet ay magkasinatahan.
3. Masayang naglalaro ang mga bata.
4. Bumili si tatay ng bagong tsinelas.
5. Napaka init ng panahon ngayon.
6. Mayroong bagong tsinelas si Ana.
7. Si Nenita ay bumili ng bagong notebook.
8. Si Juan at Pepe ay magpinsan.
9. Nakatulog si Joan habang nagbabasa ng aklat.
10. Si Rosario ay naghihintay ng kanilang bahay.
11. Si Nestor ay hindi sumama sa simbahan.
12. Takot si kuya kay ate.
13.Naglinis ng banyo si Nita.
14.Si Maricel ay kumakanta ngayon sa entablado.
15. Nagpagupit ng buhok si nanay.




bahagi ng pangungusap

Halimbawa ng Sawikain - Maitim ang Budhi

Sa mga mahihilig manood ng mga pelikula at drama sa telebisyon, malamang narinig niyo na ang Sawikain ng ito. "Maitim ang Budhi"

Ano nga ba ang kahulugan ng sawikain na ito?

sawikain maitim ang budhi
SAWIKAIN O' IDYOMA: MAITIM ANG BUDHI 
KAHULUGAN:  Ang ibig sabihin ng "maitim ang budhi" ay masama ang ugali o' tuso. Masamang tao.

HALIMBAWA NG GAMIT:  Mag-ingat ka sa lalaking iyan. Maitim ang budhi niyan kaya labas pasok sa bilanguan.

Araling Pilipino - Ang Alamat ng Rosas

Alam niyo ba kung ano ang alamat ng Rosas? Gusto niyo ba ang bulaklak na ito? Para sa karamihan, ang bulaklak na rosas ay maganda at sumisimbolo ng pag-ibig. Maganda at kaaya-aya subalit sa kanyang anking kagandahan, mayroon itong mga tinik at kailangang hawakan ng dahan dahan upang hindi ka masugatan. Narito ang "Alamat ng Rosas"


Noong araw ay may isang magandang dalagang nagngangalang “Rosa,” na balita sa kanyang angking kagandahan, kayumian, at kabaitan. Maraming nangangayupapa sa kanyang kagandahan. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya mapusuan.

Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito’y nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin.
Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di’y siya’y naging bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman.

Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.
alamat ng rosas, alamat ng bulaklak

Araling Pilipino - Alamat ng Dama de Noche

Ang Dama De Noche, (cestrum nocturnum,) ay kilala rin sa tawag na Lady Of The Night at Night Blooming Jasmine. Marami ang may gusto sa bulaklak na ito dahil ito ay mabango.

Alam niyo ba kung ano ang alamat ng Dama de Noche?

Araling Pilipino Alamat ng Dama de Noche

Sa isang kaharian sa Mindanao, may isang Sultan na ubod ng tapang. Dahil sa kanyang katapangan ay maraming kaaway ang kanyang nagapi. Ang Sultan ay ipinalalagay na pinakamasuwerteng hari dahil sa bukod sa kanyang katapangan ay mayroon pa siyang isang anak na dalaga na ubod naman ng ganda.

Maraming mga mahaharlikang binata ang nanliligaw sa dalaga nguni't wala sa panlabas na anyo ang kanyang hinahanap. Ang nais niya ay iyong kagandahang nagmumula sa kalooban ng tao.

Hindi naman nagtagal at si Mayuri, ang anak ng Sultan, ay nakatagpo ng lalaking kanyang hinahanap. Siya ay si Ramen, ang bago nilang hardinero. Mabait at maginoo si Ramen kung kaya't si Mayuri ay nahumaling sa kanya. Hindi nagtagal at ang dalawa ay nagkaibigan nguni't ito ay lingid sa kaalaman ng amang Sultan ni Mayuri. Tuwing gabi lamang sila nagniniig ni Ramen sa halamanan.

Nagkukunwaring nangunguha ng bulaklak para sa kanyang silid si Mayuri at si Ramen naman ay nagdidilig.

Waring nakahalata ang hari sa kakaibang sigla ng kanyang anak. Sinubaybayan niya si Mayuri at natuklasan niya ang pag-iibigan nina Mayuri at Ramen. Sa labis na galit, ipinatapon ng Sultan ang binata sa ilog na maraming buwaya.

Sa labis na kalungkutan ni Mayuri sa hindi na pagsipot ni Ramen sa kanilang tagpuan ay umiyak siya nang umiyak. Alam niyang may nangyaring hindi maganda sa kanyang mahal. Hindi niya alam na ang kanyang ama ang may kagagawan ng lahat.

"Mahal kong Allah, yaman din lamang at wala na ang aking mahal, hinihiling ko po na ako ay mawala na rin. Ang luha kong ito ay gawin ninyong mga bulaklak na sa gabi lamang humahalimuyak ang bango. Sa pamamagitan lamang po nito maaring maalala ng aking ama na ang kanyang anak ay nawala sa kadiliman ng gabi." ang samo ni Mayuri.

Pagkawika ng mga katagang iyon ay unti-unting nagbago ang anyo ng dalaga. Naging puno ito at namunga ng mga bulaklak na hugis luha at nagsasabog lamang ng bango sa gabi.

Dahilan sa gabi lamang nalalanghap ang bango ng bulaklak, ito ay tinatawag na "Dama de Noche" ang ibig sabihin ay "dalaga sa gabi".