Jose Protacio Rizal
Buhay: Hunyo 19, 1861 — Disyembre 30, 1896 (35 taong gulang)
Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas
Isang henyo, manggagamot, manunulat, inhenyero, makata, linguista, siyentipiko, manlalakbay, ekonomista, iskultor, edukador, anthropologist, bitanist, at pilantropo.
Si Jose P. Rizal ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang buo niyang pangalan ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Ang kanyang palayaw ay Pepe. Siya ay pampito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Bukod tanging siya lamang sa magkakapatid ang gumagamit ng apelyidong Rizal.
Edukasyon ni Jose P. Rizal
Ang nagsilbing unang guro ni Rizal ay ang kanyang ina. Sa murang edad na tatlong taon ay marunong na siyang bumasa. Siyam na taon siya nang mag-aral sa Binan, Laguna sa eskuwelahang pinamamahalaan ni Justiniano Cruz. Pumasok siya sa Ateneo Municipal de Manila noong taong 1872. Nag-aral din siya sa Unibersidad ng Santo Tomas ngunit saglit lamang dahil sa hindi nagustuhan ang paraan ng pagtuturo rito. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa Europa.
Propaganda Movement ni Jose P. Rizal
Si Jose P. Rizal ay kasapi ng kilusang Propaganda, isang kilusan ng mga Pilipino na nagsikap matamo ang pagbabago sa pamamahala ng Kastila sa Pilipinas tungo sa mapayapang paraan.
Mga Sagisag-panulat na ginamit ni Dr. Jose P. Rizal
P. Jacinto, Dimas-alang, at Laong-laan
Ang dalawang nobelang obra maestra ni Jose P. Rizal ay ang nobelang Noli Me Tangere na sa tagalog ay Huwag Mo Akong Salingin at El Filibusterismo na sa tagalog ay Ang Filibusterero. Ang mga nobelang nabanggit ay tumutuligsa sa pang-aabuso ng pamahalaang Kastila at mga paring Kastila sa Pilipinas. Ang mga nobelang ito ang naging dahilan upang ituring na kaaway si Jose P. Rizal ng mga Kastilang namamahala sa Pilipinas at siya ring naging mitsa ng kanyang maagang kamatayan.
La Liga Filipina
Itinatag ni Dr. Jose P. Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, taong 1892. Makalipas ang apat na araw, ipinatapon siya sa Dapitan dahil sa bintang na siya'y may kinalaman sa kilusan ukol sa paghihimahsik nang mga araw na yaon.
Sa Dapitan, Si Jose P rizal ay nanggamot ng maysakit. Nagtayo rin siya ng munting paaralan at nagturo sa labing-apat na mga bata. Dito rin niya nakilala sa Josephine Bracken, ang kanyang naging kabiyak.
Si Jose P. Rizal ay pinaratangan nagpakilos sa himagsikang inumpisahan ni Andres Bonifacio. Siya ay nilitis, at nahatulan ng parusang kamatayan. Siya ay binaril noong ika-30 ng Disyembre, taong 1896 sa Bagumbayan. Ang bagumbayan ay kilala ngayon bilang Luneta o' Rizal Park.
No comments:
Post a Comment