Halimbawa ng Salawikain: Ang bayaning nasusugatan, nag-iibayo ang tapang
A patriot who is wounded becomes more courageous.
Ang salawikain na ito ay tumutukoy sa taong lalong tumatapang at lumalakas ang loob habang nasusugatan. Hindi lamang ito partikular na tumutukoy sa labananan kundi sa pang araw araw na pamumuhay ng tao. Karamihan sa ating mga Pilipino ay may ganitong kaugalian, hindi sumusuko sa laban kahit nahihirapan, bagkos lalong nagpupursige at patuloy na nakikipaglaban sa hirap at mga pagsubok sa buhay.