Halimbawa ng Parabula - Ang Magkapatid

Halimbawa ng Parabula - Ang Magkapatid
Sina Lito at Mario ay magkapatid, Panganay si Mario at bunso naman si Lito. Ang magkapatid ay parehong may sinasakang bukid. Pamana sa kanila ng yumaong mga magulang ang kani-kanilang bukid na tinataniman nila ng palay. Pareho silang maraming inaning palay. Inimbak nila sa kanilang kamalig ang kanilang mga ani.

Habang nakahiga ng gabing iyon si Lito ay naisip niya ang kapatid na si Mario. May asawa ito at tatlong anak. Siya naman ay binata. naisip niyang mas kailangan ni Mario ang maraming palay. Kumuha siya ng isang kabang palay sa kanyang kamalig at palihim niyang dinala iyon sa kamalig ni Mario.

Si Mario naman ay nag-iisip din ng gabing iyon. Naisip niyang kawawa naman ang kanyang kapatid na si Lito dahil walang asawa at mga anak na titingin dito. Naisip niyang bigyan ito ng palay. Kumuha siya ng isang kaban sa kanyang kamalig palihim niyang dinala iyon sa kamalig ni Lito.


Nagtaka si Lito ng bilangin niya ang natirang palay sa kanyang kamalig. Parang hindi nabawasan. Ganoon din si Mario. Wala din bawas ang kanyang aning palay sa kanyang kamalig. Kaya ng gabing iyon, muli siyang nagdala ng isang kaban sa kamalig ni Lito. Ganoon din naman ang ginawa ni Lito, nagdala ito ng isang kaban sa kamalig ni Mario. At pareho silang nagtaka nang sumunod na araw na bilangin nila ang kanilang palay sa kamalig. Parehong walang bawas ang mga iyon.

Nang sumunod pang gabi ay pareho silang bumuhat ng tig-isang kaban para dalhin sa kamalig ng bawat isa. Hindi sinasadyang magkasalubong sila. Nagkagulatan ang magkapatid. Hindi na sila nagtanong sa isa't-isa kung saan dadalhin ang pasan nilang palay.

"Kuya", bulalas ni Lito at wala nang nasabi.

"Lito, kapatid ko!" sambit naman ni Mario at wala naring nasabi.

Yumakap sila sa isa't-isa. Nag-uumapaw ang pagmamahal sa kanilang mga puso.

Andres Bonifacio Bayani ng Pilipinas

Andres Bonifacio Bayani ng Pilipinas

Andres Bonifacio
Buhay: November 30, 1863 - May 10, 1897 (33 taong gulang)

Ang Ama ng Himagsikan 
Ang Ama ng Katipunan
Ang Dakilang Maralita

Ang buong pangalan ni Andres Bonifacio ay  Andrés Bonifacio y de Castro. Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Siya ay panganay sa limang anak nina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro.

Edukasyon ni Andres Bonifacio
Si Andres Bonifacio ay walang pormal na edukasyon. Nagsimula siyang mag-aral sa paaralang Don Guillermo Osmena ngunit siya'y maagang nahinto sa pag-aaral bunga na rin sa kahirapan. Subalit hindi naging hadlang ang kahirapan upang siya ay matuto. Marunong siyang bumasa at sumulat. Magaling rin siya sa pagsasalita sa wikang Kastila. Ito ay dahil sa kanyang sariling pagsisikap.

Mahilig siyang magbasa at ginugugol niya ang libreng oras niya sa pagbabasa. Ilang sa mga librong nabasa niya ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal, Les Miserables ni Victor Hugo, at The Wandering Jew ni Eugene Sue.


Ang Katipunan ni Andres Bonifacio
Ang kanyang mga nabasa ang nagsilbing inspirasyon upang itatag niya ang Katipunan o' KKK (Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Ang layunin ng kapisanang ito ay magkaisa ang mga Pilipino at mag-alsa laban sa mga Kastila upang makamit ang kalayaan. Naging katulong niya si Emilio Jacinto sa Katipunan.

Naging asawa niya si Gregoria de Jesus, isang taga-Caloocan. Si Gregoria ay napabilang sa mga babaeng kasapi ng KKK.

Noong ika-23 ng Agosto, taong 1896 ay pinangunahan niya ang pagpunit ng sedula at iwinagayway ang mga bandilang pula, hudyat ng pagsisimula ng himagsikan laban sa Kastila. Ang makasaysayan pangyayaring ito ay tinawag na "Unang Sigaw Sa Pugadlawin".

Andres Bonifacio Bayani ng Pilipinas

Ang Kamatayan ni Andres Bonifacio
Makalipas ang ilang taon, ang katipunang itinatag ni ANdres Bonifacio ay nahati sa dalawang grupo - ang Magdalo na pinamumunuan ni Emilio Aguinaldo at ang Magdiwang na pinamumunuan niya. Dumating ang puntong hindi naging maganda ang relasyon ng dalawang grupo.

Noong ika-22 ng Marso, taong 1897, nagtatag ang mga Pilipino ng Rebolusyonaryong Gobyerno kung saan si Emilio Aguinaldo ang presidente. 

Si Andres Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio Bonifacio ay nadakip ng mga tauhan ni Emilio Aguinaldo. Sila ay iniharap sa isang paglilitis at nahatulan ng parusang kamatayan.

Si Andres Bonifacio at Procopio Bonifacio ay binaril at namatay noong ika-10 ng Mayo taong 1897 sa Bundok Buntis na nasasakupan ng lalawigan ng Cavite.

Dr Jose Protacio Rizal Pambansang Bayani ng Pilipinas

Dr Jose Protacio Rizal Pambansang Bayani ng Pilipinas

 Jose Protacio Rizal 
Buhay:  Hunyo 19, 1861 — Disyembre 30, 1896 (35 taong gulang)

Ang Pambansang Bayani ng Pilipinas

Isang henyo, manggagamot, manunulat, inhenyero, makata, linguista, siyentipiko, manlalakbay, ekonomista, iskultor, edukador, anthropologist, bitanist, at pilantropo.

Si Jose P. Rizal ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang buo niyang pangalan ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Ang kanyang palayaw ay PepeSiya ay pampito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Bukod tanging siya lamang sa magkakapatid ang gumagamit ng apelyidong Rizal.

Edukasyon ni Jose P. Rizal
Ang nagsilbing unang guro ni Rizal ay ang kanyang ina. Sa murang edad na tatlong taon ay marunong na siyang bumasa. Siyam na taon siya nang mag-aral sa Binan, Laguna sa eskuwelahang pinamamahalaan ni Justiniano Cruz. Pumasok siya sa Ateneo Municipal de Manila noong taong 1872. Nag-aral din siya sa Unibersidad ng Santo Tomas ngunit saglit lamang dahil sa hindi nagustuhan ang paraan ng pagtuturo rito. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa Europa. 

Propaganda Movement ni Jose P. Rizal
Si Jose P. Rizal ay kasapi ng kilusang Propaganda, isang kilusan ng mga Pilipino na nagsikap matamo ang pagbabago sa pamamahala ng Kastila sa Pilipinas tungo sa mapayapang paraan.

Mga Sagisag-panulat na ginamit ni Dr. Jose P. Rizal
P. Jacinto, Dimas-alang, at Laong-laan

Noli Me Tangere at El Filibusterismo - Ang Dalawang Obra Maestra ni Dr. Jose Rizal
Noli Me Tangere at El Filibusterismo - Ang Dalawang Obra Maestra ni Dr. Jose Rizal

Ang dalawang nobelang obra maestra ni Jose P. Rizal ay ang nobelang Noli Me Tangere na sa tagalog ay Huwag Mo Akong Salingin at El Filibusterismo na sa tagalog ay Ang Filibusterero. Ang mga nobelang nabanggit ay tumutuligsa sa pang-aabuso ng pamahalaang Kastila at mga paring Kastila sa Pilipinas. Ang mga nobelang ito ang naging dahilan upang ituring na kaaway si Jose P. Rizal ng mga Kastilang namamahala sa Pilipinas at siya ring naging mitsa ng kanyang maagang kamatayan.


La Liga Filipina
Itinatag ni Dr. Jose P. Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, taong 1892. Makalipas ang apat na araw, ipinatapon siya sa Dapitan dahil sa bintang na siya'y may kinalaman sa kilusan ukol sa paghihimahsik nang mga araw na yaon.

Sa Dapitan, Si Jose P rizal ay nanggamot ng maysakit. Nagtayo rin siya ng munting paaralan at nagturo sa labing-apat na mga bata. Dito rin niya nakilala sa Josephine Bracken, ang kanyang naging kabiyak.

Si Jose P. Rizal ay pinaratangan nagpakilos sa himagsikang inumpisahan ni Andres Bonifacio. Siya ay nilitis, at nahatulan ng parusang kamatayan. Siya ay binaril noong ika-30 ng Disyembre, taong 1896 sa Bagumbayan. Ang bagumbayan ay kilala ngayon bilang Luneta o' Rizal Park.

Halimbawa ng Parabula - Ang Babaing Balo

Halimbawa ng Parabula Ang Babaing Balo

Isang matandang lalaki ang lumapit sa isang babaing balo. Gusgusin ang matandang lalaki. Mukha itong gutum na gutom. Taggutom noon sa lugar na iyon, mahirap ang pagkain.

"Mayroon ka bang makakain diyan?" tanong ng matandang pulubi sa balo.

"Ilang araw na kasing hindi nalalamnan ang aking sikmura. Parang hihimatayin na ako sa gutom."

"Mayroon po akong isang dakot na harina at katiting na langis." Sagot ng balo.

"Lulutuin ko nga po para makakakain kami ng aking anak bago kami mamatay na dalawa."

"Kung lulutuin mo ay bigyan mo naman ako." Sabi ng matandang pulubi.

"Sige po dito lang po kayo at maghintay." Sabi ng babae.

Sinimot ng babaing balo ang harina sa lalagyan at ang katiting na langis. Sinimulan niyang iluto iyon para maging tinapay. Iyon na ang kahulihulihang patak ng harina at langis sa lalagyan niya. Ngayong ubos na ang mga iyon, hindi niya alam kung paano pa sila kakain ng kaniyang anak. Siguro'y mamamatay na lamang sila sa gutom.

Maliit lang ang nalutong tinapay. Tatlo silang kakain. Siya, ang kanyang anak na lalaki at ang matandang pulubi. Kahit sa kanilang dalawa nang kanyang anak ay hindi na kakasya ang maliit na tinapay na iyon. Hinati niya ang tinapay sa dalawa. Ang kalahati ay ibinigay niya sa matandang pulubi.

Ang kalahati ay itinira niya para sa kaniyang anak. Siya ay magtitiis na lamang ng gutom.




Nakakain ang matandang pulubi. Nasisiyahan itong nagpaalam sa kanya.

"Maraming salamat," anang matandang pulubi. "pagpalain ka sa iyong kabutihang loob."

Inihatid niya ng tanaw ang matanda hanggang mawala ito sa paningin. Pagkatapos ay tinungo niya ang anak na natutulog. Gigisingin na niya ito para kumain.

Naudlot siya ng paglapit sa anak napatingin kasi siya sa lalagyan niya ng langis. Nagulat siya ng makitang puno iyon ng langis gayong kanina ay wala nang laman iyon. Nagtataka siyang lumapit, binuksan din niya ang lalagyan ng harina. At nakita niyang puno rin iyon gayong kanina ay wala nang laman. Natapos ang taggutom sa lugar na iyon na hindi nauubos ang harina at langis ng babaing balo.


Mga Pamahiin sa Kasal

1. Bawal isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi matuloy ang kasal
2. Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal – maaaring mamatay ang isa sa kanila.
3. Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan – upang hindi siya maliitin.
4. Kapag umulan sa araw ng kasal – simbolo ng kaswertehan.

Wikang Filipino Wikang Mapagbago

Ang tema sa Buwan ng Wika sa Agosto 2017 ay “Filipino: Wikang Mapagbago.” Ito ay ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF). Gustong-gusto ko ang buwan ng wika sapagkat mas lalo nating nabibigyan ng pansin ang ating sariling wika. Ang sabi nga ni Dr. Jose Rizal,

"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda"

Wikang Filipino Wikang Mapagbago


WIKANG FILIPINO, WIKANG MAPAGBAGO 
Ni Erico Memije Habijan

Tinig ng Seklusyon:
May bago bang masasaba, kung sablay ang gantimpala.
Ng milenyang mapag-imbot, intensiyon niya’y di bihasa
Kalikasang kabuktutan, palalo at upasala
Sinta’t irog nating wika ang sipat ay hampas-lupa.

Siglo nitong dalawampu at isa na lumalatay
Munting sisiw sumisiyap, pagkat tukdo ay kinatay
Dalisdis nga nitong ilog, di marinig pagkat patay
Unawaang binusabos, popular na sumasablay.

Bakit hilaw ang paghiyaw, tinig nitong saguiguilid
Di madinig pagkat pahaw, awit ibong binilibid
Buang-buang ang pagkampi sa wikang di maigilid
Kaya’t ahas pag-aanyo, pagkalayang tumagilid.

Tinig ng Rebolusyon:
Isaisip nito bungo kung nais ay pagbabago
Mag-umpisa sa paggamit nitong wikang makabago
Filipino ang gamitin, sa saliksik na siyang sentro
Pagsasaling kasanayan, mabubuhay itong mundo.

Bumubuka ang liwayway sa disenyong makatao
Paghahasik-kaalaman, karunungang may diskurso
Pinapanday nitong wika, itong ating pagkatao
Pagkat hatid unawaan, sa batis ng pagkatuto.

Kita nganing mga henyo, bango’t tindig magmapuri!
Transpormasyong kapatiran, humihitik dumadampi
Wika Ina nating sakdal, pagbabago ang kandili
Agham, Bilang Masa media, uusbong na luwalhati.

Kitlin itong palamarang sa niya’y lapastangan
 Pagbabagong ginigibo hindi siya kasangkapan
Rebolusyon ang kaputol, mapagpanggap ay undayan
Upang hindi lumaganap kamandag ng kamangmangan.

Magmalaki’t magtampisaw Filipino’y disiplina
Haring araw nakatunghay sa pag-asang dala niya
Lumang-gawi, gawa’t tigsik ilibing na’t upasala
Tanikalang kamangmangan, pagsibol ay napatid na!

Mga Pangulo ng Pilipinas

Narito ang listahan ng mga Pangulo ng Pilipinas. Pindotin ang kanilang larawan upang mabasa ang tungkol sa kanila at ang kanilang mga naging kontribution sa bansa.


mga pangulo ng Pilipinas emilio aguinaldo mga pangulo ng Pilipinas manuel l quezon talambuhay mga pangulo ng Pilipinas jose laurel talambuhay

Araling Pilipino Ano ang Bugtong?

Ano ang Bugtong? 

Madalas nating marinig ang salitang "Bugtong, Bugtong". Ano nga ba ang Bugtong?
Araling Pilipino Ano ang Bugtong?

Ang bugtong (filipino riddles) ay isang pangungusap, minsan ito'y isang tanong, minsan naman ay tula na madalas mayroong doble at nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. Ito ay kadalasang nilalaro ng mga kabataan at ng mga nakakatanda. Ang bugtong ay tinatawag ding pahulaanpalaisipan o patuturan.


Masarap gawin ang bugtong bugtongan o' pahulaan dahil masaya ito at nakakaaliw. Marami sa ating mga bugtong ay naglalarawan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, kaisipan, pag-uugali, at katutubong.

Mga Halimbawa ng Bugtong:
1. Buto't balat lumilipad. 
    Sagot: Saranggola

2. Dalawang bangyasan, naghahagaran. 
    Sagot: Binti

3. Tubo sa punso, walang buko. 
    Sagot: Buhok

4. Limang puno ng niyog, isa'y matayog. 
    Sagot: Daliri

5. Dalawang balahibuhin, masarap pagdaitin. 
   Sagot: Mata at kilay


Pambansang Puno ng Pilipinas

Ang pambansang puno ng Pilipinas ay ang NARRA. 

pambansang puno ng Pilipinas, puno ng narra

Ang puno ng Narra ay kilala sa tawag na Pterocarpus indicus o' Red Sandalwood tree. Ito ay isang malakas, malaki, at malilim na puno. Ito ay isa sa mga pinakakilalang kahoy na ginagamit sa mga kasangkapan Kilala dahil katibayan nito. Tinatawag itong pambansang puno ng Pilipinas dahil ito ay matibay, mabigat at may magandang kalidad para sa mga karpintero sa Pilipinas sa paggawa ng mga bahay at muwebles. Karamihan sa mga puno ng Narra ay matatagpuan sa kagubatan ng Bicol, Mindanao at Cagayan Valley.

ibat ibang tawag ng narra, other names of narra treeIba't ibang Tawag ng Punong Narra:
Tagalog - Asana
Mangyan - Balauning
Kapampangan - Daitanag
Pangasinense - Odiau

Isa sa mga benepisyo ng puno ng Narra ay ang kanyang mga kahoy na matibay. Ginagamit ito sa mga kasangkapan ng mga karpintero sa Pilipinas. Ang punong Narra ay nagbibigay ng mga matitibay na kahoy, mahirap tablan ng anay at may mala rosas na bango. Ang mga bulaklak ng puno ng narra ay nakakain.

Araling Pilipino Ano ang Kahulugan ng Watawat ng Pilipinas

Ano ang Kahulugan ng Watawat ng Pilipinas?

Ang watawat ng Pilipinas ay bandila na sumisimbolo sa bansa. Ang watawat ng Pilipinas ay may kahulugan o mga mahahalagang pangyayari na inilalarawan ukol dito. 

watawat ng pilipinas flag of the Philippines
Ang sinisimbolo ng araw sa watawat ng Pilipinas ay ang bukang liwayway o simula ng pagsasarili ng ating bansa na ibig makamit noong 1897 pagkatapos na madesinyuhan ang watawat subalit nakamit lamang ang ating kalayaan noong taong 1946.

Ang tatlong (3) star ay sumisimbolo sa tatlong (3) malalaking pulo sa Pilipinas, ang Luzon, Visayas at Mindanao.




Ang walong (8) sinag ng araw naman ng araw ay sumisimbolo sa walong (8) probinsiya na nag-alsa laban sa pamumuno ng espanya noong mga 19th na dekada para makamit ang ating kalayaan. Ang walong (8) probinsiyang ito ay ang Manila, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Laguna, Batangas, at Cavite.

kahulugan ng walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas

Ang puting tatsulok ay sumisimbolo ng Katipunan. Ang pulang stripe naman ay simbolo ng katapangan at kagitingan. Ang asul naman na stripe ay sumisimbolo naman ng mga noble ideals.

Para madaling matandaan, narito ang maiksing dapat tandaan sa kung anoang kahulugan ng mga kulay sa watawat ng Pilipinas:

Asul - kapayapaan 
Pula - katapangan
Puti - kalinisan
Tatlong (3) bituin - pulo ng pilipinas
Walong (8) sinag ng araw - walong probinsyang nag alsa laban sa pamumuno ng espanya.

Araling Pilipino Ano ang Wika

Ang wika ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, paraan ng paghahatid ng ideya at damdamin. Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. 

Araling Pilipino Ano ang Wika

Ang wika ay kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sapamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag saparaang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisaang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Alamat ng Sampaguita

Ang Sampaguita ay ang Pambansang Bulaklak ng Pilipinas at isa sa mga pinakasikat na mga bulaklak sa Pilipinas dahil sa bango nito at sa pagiging simple.

Ayon sa alamat ng Sampaguita, ang salitang SAMPAGUITA ay nagmula sa salitang "SUMPA KITA". Basahin sa baba ang Alamat ng Sampaguita.

alamat ng sampaguita, picture sampaguita

alamat ng sampaguita story, picture sampaguita, legend of sampaguita


Hugot Lines About Love Dear Crush

Paano mo malalaman na may gusto sa iyo ang isang tao? Una, sa tingin. Parang ikaw, kung may crush ka sa isang tao at hindi niya alam, siyempre dinadaan mo sa sulyap. Paano kung hindi pa rin pansin ng crush mo ang mga titig mo? Daanin mo nalang sa "hugot lines".

 hugot lines about love, dear crush hugot lines

Ikaw, anong "dear crush hugot line mo"?
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...