E-type lang ang katanungan sa loob ng box at pindutin ang search salawikain sawikain
Custom Search

Araling Pilipino Ano ang Bugtong?

Ano ang Bugtong? 

Madalas nating marinig ang salitang "Bugtong, Bugtong". Ano nga ba ang Bugtong?
Araling Pilipino Ano ang Bugtong?

Ang bugtong (filipino riddles) ay isang pangungusap, minsan ito'y isang tanong, minsan naman ay tula na madalas mayroong doble at nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. Ito ay kadalasang nilalaro ng mga kabataan at ng mga nakakatanda. Ang bugtong ay tinatawag ding pahulaanpalaisipan o patuturan.


Masarap gawin ang bugtong bugtongan o' pahulaan dahil masaya ito at nakakaaliw. Marami sa ating mga bugtong ay naglalarawan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, kaisipan, pag-uugali, at katutubong.

Mga Halimbawa ng Bugtong:
1. Buto't balat lumilipad. 
    Sagot: Saranggola

2. Dalawang bangyasan, naghahagaran. 
    Sagot: Binti

3. Tubo sa punso, walang buko. 
    Sagot: Buhok

4. Limang puno ng niyog, isa'y matayog. 
    Sagot: Daliri

5. Dalawang balahibuhin, masarap pagdaitin. 
   Sagot: Mata at kilay


No comments:

Post a Comment