Ano ang bulaklak na Mirasol? Ang mirasol o' hirasol (kilala sa Ingles bilang "sunflower" na ang literal na kahulugan ay "bulaklak na araw") ay mga halamang matatangkad na nagkakaroon ng malalaking mga bulaklak na kulay dilaw ang mga talulot ngunit kayumanggi ang gitnang bilog na bahagi.
Ang masaya at tila nakangiting mukha ng mirasol (sunflower) sa hardin ay nakapagpapasigla. Lalo na ang isang malawak na bukiring punung-puno ng kanilang matingkad na dilaw na mga bulaklak! Sumusunod sa galaw ng araw ang mga ito. Karaniwang matataas ang mga halamang ito na namumulaklak sa buong panahon ng taon, umaabot sa taas na 50 - 390 sentimetro.
E-play ang video at pagmasdan ang kagandahan ng malalaking Mirasol.
Ang pangalan ng mirasol sa wikang Latin, na Helianthus annuus, ay hinango mula sa mga salitang Griego na nangangahulugang “araw” at “bulaklak” at sa salitang Latin na nangangahulugang “taunan.” Gustung-gusto ng maraming tao bilang kukutin ang mga buto ng mirasol na tinusta nang bahagya at nilagyan ng kaunting asin. Ang mga buto ng mirasol ay ginagamit ding patuka sa mga ibon at pagkain ng maliliit na hayop. Ang bukid ng mirasol ay paraiso ng mga pukyutan —ang isang ektarya ng mirasol ay mapagkukunan ng 25 hanggang 50 kilo ng pulot-pukyutan.
No comments:
Post a Comment