Bugtong:Sinampal ko muna bago inalok.
Sagot: Sampalok
Bugtong:Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
Sagot: Kalabasa
Bugtong:Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw
Bugtong:Munting tampipi, puno ng salapi.
Sagot: Sili
Bugtong:Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: Ampalaya
Bugtong:Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan.
Sagot: Dahon ng gabi
Bugtong:Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay lantang katuray.
Sagot: Talong
Bugtong:Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo
Bugtong:Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: Baril
Bugtong:Huminto nang pawalan, lumakad nang talian.
Sagot: Sapatos
Bugtong:Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: Kamiseta
Bugtong:Walang sala ay ginapos, tinapakan pagkatapos.
Sagot: Sapatos
Bugtong: Nang maliit ay mestiso nang lumaki ay negro.
Sagot: Abo ng sigarilyo
Bugtong:May dahon ay di halaman, maraming mukha'y walang buhay ang laman ay karunungan.
Sagot: Aklat
Bugtong:Pagsipot pa lang sa maliwanag, kulubot na ang lahat.
Sagot: Ampalaya
Maari niyo ring e-play ang video sa baba. Mas mainam ito sa mga mag-aaral. Ang sagot ay lilitaw pagkatapos ng ilang segundo. Mabisa ito sa mga may test at gustong mamemorya ang mga bugtong.
No comments:
Post a Comment