Marami sa ating mga Pilipino ang nalilito sa wastong gamit ng salitang bibig at bunganga. Madalas nababaliktad natin ang gamit ng mga ito.
Halimbawa: Ano ang tamang salita para dito ?
"Hoy Nadia yang _________ mo ha! Kung ano ano na lang pinagsasasabi mo diyan."
Ano sa tingin mo ang tamang salita para sa pangungusap na nasa itaas? Bibig? o' Bunganga?
Ano ang wastong gamit ng salitang bibig at bunganga?
Ang salitang bibig at bunganga ay maaaring hawig ng kahulugan subalit may kani-kaniyang tiyak na gamit sa pahayag.
Ang salitang BIBIG ay ginagamit sa TAO.
Ang salitang BUNGANGA ay ginagamit sa hayop at sa bagay.
Ano ang tamang sagot sa halimbawang pangungusap na nasa itaas?
"Hoy Nadia yang bibig mo ha! Kung ano ano na lang pinagsasasabi mo diyan."
Karagdagang Halimbawa ng Wastong Gamit: Bibig at Bunganga
1.Tanaw na tanaw namin ang maluwang na bunganga ng bulkan.
2. Tinakpan niya ang bunganga ng tapayan.
3. Makipot ang bibig ng sanggol.
4. Rosanna, makinig ka muna ng ng mabuti at isara ang bibig.
No comments:
Post a Comment