araling pilipinoalamatBUGTONGsalawikainsawikain, idioma, idyoma

Maghanap sa loob ng box.

Custom Search

Salawikain tungkol sa Tiyaga

Kung walang tiyaga walang nilaga salawikain

Halimbawa ng Salawikain: Kung walang tiyaga, walang nilaga.

Without perseverance, there is no reward.

Ang ibig sabihin ng salawikain na "Kung walang tiyaga, walang nilaga." ay kung wala kang tiyaga sa buhay hindi ka magsusumikap, wala kang matatanggap na gantimpala. Kailangan mong magsumikap at manatiling matiyaga upang makamit mo ang iyong mga pangarap sa buhay.

Halimbawa ng Salawikain tungkol sa Ulan

ulan salawikain, salawikain tungkol sa ulan
Halimbawa ng Salawikain: Tikatik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw

Halimbawa ng Salawikain tungkol sa Katotohanan


katotohanan salawikain, katotohanan

Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon
Even if you bury the truth, it will come out in due time.

Ang ibig sabihin ng salawikain na ito ay; Kahit na ano pang pagtatago ang gawin ng isang tao, lilitaw at lilitaw din ang katotohanan sa tamang panahon. Madalas na mangyari ito sa lipunan at pamumuhay nating mga tao. Minsan may mga sikreto tayo ng itinatago sa mahabang panahn ngunit madalas, lulalabas din ang katotohanan kahit gaano pa katagal na itoy naitago dahil walang katotohanan ang hindi nabubunyag.