E-type lang ang katanungan sa loob ng box at pindutin ang search salawikain sawikain
Custom Search

Sino ang Gumawa ng Watawat ng Pilipinas

Sino ang Gumawa ng Watawat ng Pilipinas


Ang watawat ng Pilipinas ay unang naisip gawin ni Heneral Emilio Aguinaldo. Konsepto niya ang orihinal na watawat ng Pilipinas. Ang watawat ng Pilipinas ngayon ay medyo iba kompara sa orihinal na konsepto ni Heneral Emilio Aguinaldo. Mas marahan ang kulay asul nito kaysa sa kasalukuyang pinag-uutos na kulay royal blue, mas marami itong sinag noon pero walo rin ang naging mga dulo, at may mahiwagang mukha sa araw nito.

pinakaunang desenyo ng watawat ng Pilipinas

Malaki ang impluwensya ni Heneral Emilio Aguinaldo sa disenyo ng watawat ng Pilipinas kaya maituturing siyang Ama ng ating Pambansang Bandila. Ito ang isa sa pangunahing pamana niya sa bansa kasama na ang himig ng ating Pambansang Awit na siya rin ang nagpagawa.



Sino ang nagtahi ng watawat ng Pilipinas?

Tatlong tao ang unang nagtahi ng unang watawat ng Pilipinas. Sina (1) Marcela MariƱo Agoncillo at ang kanyang batang anak na noon ay limang-taong gulang lamang na si (2) Lorenza, at ang pamangkin ni Doktor Jose Rizal na si (3) Delfina Herbosa de Natividad. 


sino ang tumahi ng unang watawat ng pilipinas

Saan tinahi ang Watawat ng Pilipinas? 

Ginawa nila ang bandila sa Happy Valley, Hongkong taong 1898.

May tanong ka pa ba? E-type sa loob ng box at pindutin ang search.
Custom Search

Alamat ng Buwitre

Alamat ng Buwitre, alamat ng hayop

Napakatagal na panahon na ang nakararaan ng mangyari ang pagsumpa ng mga magulang sa isang batang babae na may pangalang Bereti. Si Bereti ay mula sa angkan na may maalwang buhay. May malawak na lupain ang kanyang mga magulang. Marami silang pananim. Marami rin silang mga alagang hayop. Bunso si Bereti at paborito ng ama. Dala marahil na nakakamit ang lahat kaya may hinahanap si Bereti sa buhay. Ibig niyang maranasan ang mga bagay na kaiba sa kinalakihan.

Si Aling Juana ang tagalaba ng pamilya. May anak itong laging isinasama sa paglalaba. Ito si Karing. Halos magkasing-edad sila ni Bereti kaya madaling nagkalapit ang mga loob. Ani Karing ay naiinggit ito kay Bereti dahil nakukuha ang lahat ng gusto. Ang sabi naman ni Bereti ay naiinggit kay Karing dahil marami itong bagay na nararanasan na hindi niya nararanasan.

Mula noon ay laging magkasama ang dalawa. Mabait ang pamilya ni Aling Juana kaya panatag ang loob ng ama't ina ni Bereti. Nalaman ni Bereti na madalas sumala sa oras sina Karing. Kapag walang makain ay naghuhukay ng mga gabi, tugi o anumang halamang ugat sina Karing para maipantawid-gutom. Nagkakasya rin ang pamilya na mamulot ng mga tirang pagkain na maaari pang pakinabangan.
Hindi maunawaan ni Bereti ngunit eksayted siya sa buhay nina Karing. Nakikihukay siya ng mga halamang ugat at namumulot ng tirang pagkain. Nakikisalo siya sa pamilya at totoong nasisiyahan siya. Galit ng galit ang ama ni Bereti nang may nakapagsabi na namumulot at kumakain ng tirang pagkain ang anak. Hinanap nito si Bereti noon din. Gulat na gulat ang ama nang makita si Bereti kasama ng ilan pang mga bata na hila ang isang kamama-tay na kambing. Ani Bereti ay kinagat ng malaking aso ang kambing kaya namatay. Aniya pa ay kakarnehin nila ang kambing para kainin.

Nagpuyos sa galit ang ama. Kinagalitan si Bereti at pinauwi ngunit ayaw sumunod ng bata.

"Kung ang gusto mo ay kumain ng mga tira at karne ng mga namatay na hayop, sige, magpakabusog ka. At para mas maging masaya ka, habang buhay sanang ganyan na lang ang kainin mo!" wika ng ama.

Kinabukasan ay nawala si Bereti. Sa halip, isang ibong kahawig ng agila ang nakitang kumakain ng isang patay na baka.

Ayon sa marami ay si Bereti ang ibong iyon na isinumpa ng ama. Tinawag silang Bereti ang ibon pero dahil hindi pa gaanong marunong bumigkas ang isang bata ay buwitre kung tawagin ito. Mula noon ay tinawag ng buwitre ang ibon.

Ang Alamat ng Makahiya

Alam niyo ba ang Alamat ng Makahiya? Ang Makahiya ay isang uri ng halaman na tinuturing na damong ligaw. Maaring nakita niyo na ito lalo na noong kabataan ninyo habang naglalaro sa labas ng bahay. Madalas itong tumutubo saan man sa mabababang lugar sa buong kapuluan ng Pilipinas. Kilala ang Makahiya dahil sa katangian nito na tumitiklop ang dahon kapag hinawakan. Ang mga sanga nito ay napalilibutan ng tinik at may bulaklak na kulay rosas.

Narito ang Alamat ng Makahiya...

Noong araw, may isang halamang ligaw na tumutubo sa gubat. Ito ay napakaganda. Ang dahon nito ay pinung-pino. Ang bulaklak nito ay kulay lila na kikislap-kislap tulad ng mga bituin. Dahil dito, naging mapagmalaki ang halamang ligaw.

Minsan, umulan nang malakas. Ang masipag na si Langgam na naghahakot ng inipong pagkain ay inabot ng ulan sa daan. Lumaki ang tubig kaya umakyat si Langgam sa pinakamalapit na halaman. Nagkataong ito pala ang halamang ligaw.



Nagalit ang halamang ligaw. Ipinagtabuyan niya ang kaawa-awang si Langgam Inuga niya ang kanyang mga tangkay kaya nahulog sa tubig ang kaawa-awang si Langgam. Naawa si Alitaptap kay Langgam. Pumitas siya ng dahon at inianod sa tubig. Kumapit dito si Langgam at siya ay nasabit sa Punong Tubo. Pinatuloy siya ni Tubo at binigyan pa siya ng pagkain.

Ang buong pangyayari ay nakita ni Diwata, ang makatarungang pinuno ng hayop at halaman. Pinagkalooban niya ng gantimpala ang maawaing si Tubo at si Alitaptap. Binigyan ni Diwata ng ilaw si Alitaptap at ginawa niyang matamis ang Punong Tubo. Samantala pinarusahan ni Diwata ang palalo at mapagmalaking halamang ligaw. Nawala ang taglay nitong bango at siniputan ng mga tinik ang kanyang katawan. Nahiya ang halamang ligaw kaya itinitikom niya ang kanyang mga dahon tuwing ito'y masasaling. Mula noon, nakilala ang halamang ligaw sa tawag na Makahiya.

Alamat ng Unggoy

Alamat ng Unggoy


Noong unag panahon, ang mag-inang Mara at Karim ay naninirahan sa isang nayon malapit sa gubat. Si Karim ay sampung taon gulang na at ito’y may kakaibang ugali. Sutil siya, matakaw, maninira, mang-uumit, anumang bagay na kanyang mahawakan ay nasisira matapos butingtingin. Kahit gaano karaming pagkain ang itago ng kanyang ina ay inuumit at inuubos niya. Si Karim ay maharut, magulang at may katusuhan. Iniiwan siya ng mga bata. Madals makikita mo siyang nasa taas ng puno na may kinakain na saging o mabulo.

Dahil sa nag-iisang anak, kahit anuman ang gawin ni Karim’y mahal pa siya ng ina ang katunayan si Mara lang ang gumagawa sa loob ng bahay. Si Karim ay hindi niya inuutusan dahil maghapon siyang wala. Naroon siya sa bakuran, kung di naman ay sa loob ng gubat at naglalambitin sa mga baging. Si Karim ay kinamumuhian ng kanilang kanayon dahil puro kabuwisitan ang ginagawa niya. May nagsasabing inubos daw ni Karim ang bunga ng kanilang saging. May nagsusumbong na kinagat daw at kinalmot ni Karim ang kanyang anak. Isang araw ay si Mara ay nagtungo sa kaingin upang humukay ng kamote. Bago siya umalis ay pinagbilinan ang anak na magsaing ng kanilang pananghalian. “Huwag mong lalakasan ang apoy, mahirap na ang masunugan.” Bilin ng ina. Pag-alis ng ina’y nagsaing na si Karim. Habang binabantayan nang iniluluto, siya’y nakatulog. Nasunog ang kanin. Isang kapirasong gatong ang natikwas at nalaglag sa sahig at ito’y nagliyab at nagsimulang masunog ang bahay. Nagising si Karim at tumakbo patungo sa loob ng gubat. Hindi makapaniwala si Mara nang makita ang nangyari sa bahay. Nagtungo siya sa gubat subalit talagang wala si Karim. Sa matinding galit ay naisumpa niya ang anak.

“Karim, dahil sa kasamaan mo’y isinusumpa kita! Sanay maging isang hayop ka.” Samantala’y unti-unting nagbago ang anyo ni Karim. Ang buong katawan niya’y tinubuan ng mababang balahibo. At nagkaroon siya ng buntot. Pagkalipas ng ilang oras ay nagising si Mara at laking gulat niya ng makita niyang isa nang unggoy si Karim. Nagsisi at napaluha siya subalit huli na ang lahat.

Araling Pilipino - Bugtong

bugtong bugtong halimbawa ng bugtong araw

Isip Isip.........................................................................

Halimbawa ng Bugtong: Dalagang Maganda Masakit sa Mata
Sagot: Araw 

Wastong Gamit ng Salita Bibig at Bunganga


Ano ang wastong gamit ng salitang bibig at bunganga?
Marami sa ating mga Pilipino ang nalilito sa wastong gamit ng salitang bibig at bunganga. Madalas nababaliktad natin ang gamit ng mga ito.

Halimbawa: Ano ang tamang salita para dito salawikain sawikain?
"Hoy Nadia yang _________ mo ha! Kung ano ano na lang pinagsasasabi mo diyan."

Ano sa tingin mo ang tamang salita para sa pangungusap na nasa itaas? Bibig? o' Bunganga? 


Wastong Gamit ng Salita Bibig at Bunganga
Ano ang wastong gamit ng salitang bibig at bunganga?
Ang salitang bibig at bunganga ay maaaring hawig ng kahulugan subalit may kani-kaniyang tiyak na gamit sa pahayag.

Wastong Gamit ng Salita Bibig at Bunganga aralin star Ang salitang BIBIG ay ginagamit sa TAO.

Wastong Gamit ng Salita Bibig at Bunganga aralin star Ang salitang BUNGANGA ay ginagamit sa hayop at sa bagay.

Ano ang tamang sagot sa halimbawang pangungusap na nasa itaas? 

"Hoy Nadia yang bibig mo ha! Kung ano ano na lang pinagsasasabi mo diyan."

Karagdagang Halimbawa ng Wastong Gamit: Bibig at Bunganga

1.Tanaw na tanaw namin ang maluwang na bunganga ng bulkan.
2. Tinakpan niya ang bunganga ng tapayan.
3. Makipot ang bibig ng sanggol.
4. Rosanna, makinig ka muna ng ng mabuti at isara ang bibig.


Mga Halimbawa ng Pabula : Ang Unggoy At Ang Pagong

Noong unang panahon, mayroong dalawang matalik na magkaibigan. Sila ay sina Unggoy at si Pagong.
Minsang walang gawain ay sumama ang unggoy kay pagong na mamasyal sa paligid. Nakapulot sila ng isang punong saging na nakaharang sa daan. Nag-isip sila kung ano ang gagawin sa halaman.
"Mabuti pa kaya'y hatiin natin ito at itanim natin. Sa akin ang- bandang itaas at sa iyo ang ibaba." Mungkahi ng unggoy. Pinili niya ang itaas dahil doon lumalabas ang saging. Tatawa-tawa siyang umuwi·
Pumayag ang pagong. Pag-uwi nila sa kani-kanilang bahay agad nilang itinanim ang kanilang parte. Makalipas ang ilang araw, ang ang halaman ng unggoyi ay namatay. Labis siyang nalungkot sapagkat paborito pa naman niya ang prutas na saging.
Sa kabilang dako, tuwang-tuwa naman si pagong dahil namumunga na ang kaniyang puno ng saging. Dinalaw niya ang kaniyang kaibigan.
"Kaibigang unggoy, bakit ka malungkot? Ang ganda-ganda ng sikat ng araw ah." bati ng pagong sa kaibigan.
"Kasi namatay ang tanim ko." Malungkot na sagot ng unggoy. "Iyong tanim mo kumusta na, kaibigan?"
"Alami mo ang dami-dami nang bunga ng tanimi ko at mahihinog na silang lahat." masayang sagot ng pagong.
"Talaga? Puwede ko bang makita? sabi ng tusong unggoy.
Nanlalaki ang mata ng unggoy nang makita ang mga saging na tanim ng pagong.
Tinanong ng unggoy kung sino ang aakyat at kukuha ng mga saging sa itaas ng puno. Sinabi ng unggoy na hindi puwede ang lolo ng pagong dahil mahina na ito at hindi rin uubra ang kanyang kapatid pagkat bulag naman ito.
"Kaibigan pumayag ka kaya kung ako ang umakyat para ipitas ka ng saging?" mungkahi ng unggoy.
"Aba, e di mabuti." sagot ng pagong.
Mabilis na umakyat ang unggoy. Laking gulat ng pagong sa ginawa ng unggoy. Habang nasa itaas ay kinain nang kinain ng unggoy ang mga bunga hanggang sa ito ay ·mangalahati na lamang. Nakiusap ang pagong na abutan naman siya subali't pinagtawanan lamang siya ng unggoy.
Sa galit ng pagong sa katakawan ng unggoy, umalis siya at kumuha ng maraming tinik. Itinusak niya iyon isa paligid ng puno ng sagging.
"Kaibigang unggoy, hindi mainam sa kalusugan ang manatili diyan sa itaas ng buong araw. Ito'y isang payo ko lang sa iyo. Oras na marinig mo ang kahol ng aso, iyon ay isang hudyat upang ikaw ay bumaba na riyan." at umalis na ang pagong.
Di nagtagal at kumahol ang aso ng kapitbahay. Sa oras na iyon ay busog na busog na ang unggoy, Ayaw pa sana niyang bumaba nguni't naalala niya ang bilin ng kaibigan. Dahan-dahan siyang bumaba dahil sa sobrang kabusugan. Marahil sa sobrang bigat ay dumulas siyang pababa at bumagsak sa mga tinik na nakapaligid sa puno ng saging. Aringking sa sakit ang unggoy at. namimilipit sa sakit ng katawan hanggang sapitin ang kaniyang bahay.
Kinabukasan ay maagang gumising ang unggoy. Kailangan niyang makaganti sa ginawa sa kaniya ng pagong. Lumabas siya at hinanap ang kaibigan. Napagod siya a kalalakad. Pasalpak siyang naupo sa isang animo isang malaking kabibe upang magpahinga. Ang buntot niya ay pumasok sa isang butas at iyon ay biglang hinila ng walang iba kundi ang kaibigan niyang pagong. Ang likod pala ng pagong ang kaniyang naupuan. Napatalon ang unggoy.
"Aha, ikaw pala!" sigaw ng unggoy. "Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?"
"Anong gagawin mo sa akin?" tanong ng pagong.
"'Lilitsunin kita!" sabi ng unggoy.
"Kapag ginawa mo iyan, magiging pula ang kulay ko. Hindi mo ba alam na pula ang paborito kong kulay?" sagot ng pagong.
"Pagkatapos ay tatadtarin kita!" sabi uli ng unggoy.
"E di maganda, ikaw rin dadaming lalo ang pagong dito." sabad naman ng pagong.
"At pagkatapos ay itatapon kita sa ilog!" painis na sabi uli ng unggoy.
Pagkarinig dito ay lihim na natutuwa ang pagong, Hindi alam ng unggoy na gustong-gusto nga niyang maglaro sa tubig at lumangoy. Hindi nagpahalata ang pagong.
"Maawa ka, kaibigan. Huwag mong gawin sa akin iyan." pakunwaring umiyak na sabi ng pagong." Ilitson mo na ako o tadtarin mo kaya. Pero huwag mo lang akong itapon sa ilog!"
Hindi pinakinggan ng unggoy ang pakiusap ng pagong. Ubos lakas niyang inihagis sa tubig ang pagong. Sumisid sa kailaliman ang pagong at ilang sandali lamang at lumitaw ito na may hawak na isang malaking isda. Ipinakita niya ito sa kaibigang unggoy. Nagulat ang unggoy at hindi agad nakapagsalita.
"Kaibigan, ibibigay mo ba sa akin iyan?" ang nasambit ng unggoy. "Bakit hindi ka lumundag dito at humuli ng para sa iyo?" sagot ng pagong. "Hindi kanaman siguro isang tamad."
Ayaw na ayaw ng unggoy na matatawag siyang tamad. Dali-dali siyang tumalon at dahil sa hindi siya marunong lumangoy, siya ay nalunod. Ang pagong ay tumawa na lang nang tumawa.