E-type lang ang katanungan sa loob ng box at pindutin ang search salawikain sawikain
Custom Search

Araling Pilipino Ano ang Kahulugan ng Watawat ng Pilipinas

Ano ang Kahulugan ng Watawat ng Pilipinas?
Sa video na ito ay malalaman ninyo ang mga simbolismo at kahulugan ng kulay at desenyo ng ating watawat.

Ang watawat ng Pilipinas ay bandila na sumisimbolo sa bansa. Ang watawat ng Pilipinas ay may kahulugan o mga mahahalagang pangyayari na inilalarawan ukol dito. 

watawat ng pilipinas flag of the Philippines
Ang sinisimbolo ng araw sa watawat ng Pilipinas ay ang bukang liwayway o simula ng pagsasarili ng ating bansa na ibig makamit noong 1897 pagkatapos na madesinyuhan ang watawat subalit nakamit lamang ang ating kalayaan noong taong 1946.

Ang tatlong (3) star ay sumisimbolo sa tatlong (3) malalaking pulo sa Pilipinas, ang Luzon, Visayas at Mindanao.




Ang walong (8) sinag ng araw naman ng araw ay sumisimbolo sa walong (8) probinsiya na nag-alsa laban sa pamumuno ng espanya noong mga 19th na dekada para makamit ang ating kalayaan. Ang walong (8) probinsiyang ito ay ang Manila, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Laguna, Batangas, at Cavite.

kahulugan ng walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas

Ang puting tatsulok ay sumisimbolo ng Katipunan. Ang pulang stripe naman ay simbolo ng katapangan at kagitingan. Ang asul naman na stripe ay sumisimbolo naman ng mga noble ideals.

Para madaling matandaan, narito ang maiksing dapat tandaan sa kung anoang kahulugan ng mga kulay sa watawat ng Pilipinas:

Asul - kapayapaan 
Pula - katapangan
Puti - kalinisan
Tatlong (3) bituin - pulo ng pilipinas
Walong (8) sinag ng araw - walong probinsyang nag alsa laban sa pamumuno ng espanya.

Araling Pilipino Ano ang Wika

Ang wika ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, paraan ng paghahatid ng ideya at damdamin. Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. 

Araling Pilipino Ano ang Wika

Ang wika ay kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sapamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag saparaang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisaang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Alamat ng Sampaguita

Ang Sampaguita ay ang Pambansang Bulaklak ng Pilipinas at isa sa mga pinakasikat na mga bulaklak sa Pilipinas dahil sa bango nito at sa pagiging simple.

Ayon sa alamat ng Sampaguita, ang salitang SAMPAGUITA ay nagmula sa salitang "SUMPA KITA". Basahin sa baba ang Alamat ng Sampaguita.

alamat ng sampaguita, picture sampaguita

alamat ng sampaguita story, picture sampaguita, legend of sampaguita


Hugot Lines About Love Dear Crush

Paano mo malalaman na may gusto sa iyo ang isang tao? Una, sa tingin. Parang ikaw, kung may crush ka sa isang tao at hindi niya alam, siyempre dinadaan mo sa sulyap. Paano kung hindi pa rin pansin ng crush mo ang mga titig mo? Daanin mo nalang sa "hugot lines".

 hugot lines about love, dear crush hugot lines

Ikaw, anong "dear crush hugot line mo"?

Araling Pilipino, Ano ang Alamat?

Ano ang Alamat?

Ang Alamat ay isang uri ng panitikang Pilipino na nagtatalakay o nagkukwento sa pinagmulan ng mga pangyayari, lugar, bagay, lugar, o' katawagan. Sa wikang Ingles, ang Alamat ay tinatawag na folklore o' legend. Tumatalakay ang Alamat sa mga katutubong kaugalian, kultura, o' kapaligiran ng mga Pilipino. Ito ay isang kuwento na sumasalamin sa kulturang Pilipino at madalas ay kinapupulutan ng aral ng mga tao.

Meron ka bang alam na alamat? 
Anong alamat ang hindi mo makakalimutan? 



mga halimbawa ng alamat
Mga halimbawa ng alamat. Pindutin ang titulo upang mabasa ang buong alamat nito.
1. Alamat ng Mangga
2. Alamat ng Ampalaya
3. Alamat ng Sampaguita
4. Alamat ng Dama de Noche
5. Alamat ng Rosas
6. Alamat ng Makahiya
7. Alamat ng Kasoy
8. Alamat ng Buwitre
9. Alamat ng Unggoy
10. Alamat ng Durian
10. Alamat ng Sampalok
11. Alamat ng Saging

Salawikain tungkol sa Tiyaga

Kung walang tiyaga walang nilaga salawikain

Halimbawa ng Salawikain: Kung walang tiyaga, walang nilaga.

Without perseverance, there is no reward.

Ang ibig sabihin ng salawikain na "Kung walang tiyaga, walang nilaga." ay kung wala kang tiyaga sa buhay,  hindi ka magsusumikap, wala kang matatanggap na gantimpala. Kailangan mong magsumikap at manatiling matiyaga upang makamit mo ang iyong mga pangarap sa buhay.

Halimbawa ng Salawikain tungkol sa Ulan

ulan salawikain, salawikain tungkol sa ulan
Halimbawa ng Salawikain: Tikatik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw

Halimbawa ng Salawikain tungkol sa Katotohanan


katotohanan salawikain, katotohanan

Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon
Even if you bury the truth, it will come out in due time.

Ang ibig sabihin ng salawikain na ito ay; Kahit na ano pang pagtatago ang gawin ng isang tao, lilitaw at lilitaw din ang katotohanan sa tamang panahon. Madalas na mangyari ito sa lipunan at pamumuhay nating mga tao. Minsan may mga sikreto tayo ng itinatago sa mahabang panahn ngunit madalas, lulalabas din ang katotohanan kahit gaano pa katagal na itoy naitago dahil walang katotohanan ang hindi nabubunyag.

Halimbawa ng Salawikain Matibay ang Walis Palibhasa'y Magkabigkis

Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis.
Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis.
A broom is sturdy because its strands are tightly bound.