E-type lang ang katanungan sa loob ng box at pindutin ang search salawikain sawikain
Custom Search

Mga Alamat ng Bulaklak

Mga Alamat ng Bulaklak

Mga Alamat ng Bulaklak

1. Alamat ng Sampaguita. Alam niyo ba kung ano ang alamat ng ating pambansang bulaklak na Sampaguita? Ang Sampaguita (Jasminum sambac) ay isang matamis na mabangong tropikal na bulaklak. Kabilang sa malawak na genus ng Jasmines (Jasminum), ang Sampaguita ay karaniwang pangalan ng species na Jasminum sambac. Ang bulaklak na Sampaguita ay kilala sa mundo bilang Philippine Jasmine.  

Upang basahin ang alamat ng Sampaguita, e -click ang litrato sa baba.

alamat ng bulaklak na sampaguita


2. Alamat ng Rosas. Mayroong iba't ibang alamat ng Rosas.

Ang mga bulaklak na rosas sa pinakamahabang panahon ay isa sa pinakasikat na mga bulaklak sa mundo. Ang dahilan para sa katanyagan ng bulaklak na rosas ay maaaring ang malawak na pagkakaiba-iba sa mga tuntunin ng kulay, sukat, halimuyak at iba pang mga katangian.

Upang basahin ang alamat ng Rosas, pindutin ang larawan sa ibaba.

alamat ng rosas

3. Alamat ng Dama de Noche. Ang Dama De Noche, (cestrum nocturnum) ay kilala rin sa tawag na Lady Of The Night. Ang halimuyak ng bulaklak ng Dama de Noche ay inilabas lamang sa gabi.

Para mabasa ang Alamat ng Dama de Noche, pindutin ang larawan sa ibaba.

alamat dama de noche bulaklak

Ano ang Magasin?

ano ang magasin

Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo,kwento,larawan, anunsyo at iba pa. kalimitang pinopondohan ng mga patalastas.

 • Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.
 • Ito ay may sukat na mas malaki kaysa aklat ngunit mas maliit kaysa pahayagan.
• Maaring ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga produkto na iniindorso ng mga sikat na tao sa bansa.

Ang Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas


1. Lipang Kalabaw (1907) - Ang magasin ay pag-aari ng editor din nito na si Lope K. Santos. Ang Lipang Kalabaw ay tumatalakay sa mga isyu ng politika, lipunan at kultura. Naging kontrobersyal ang magasing ito dahil sa mga karikatura ng mga kilalang personalidad ng panahong iyon. Ayon sa mga mananalaysay ng sining, ang mga karikaturang ito ay iginuhit ni Jorhe Pineda. Tumigil ang operasyon ng magasin noong 1909 dahil sa mga reklamo ng mga opisyal ng pamahalaan na parati nitong tinutuligsa. - Ito’y nailathala sa tatlong magkakaibang panahon:1907-1909, 1922-1924, 1947-1948 dahil sa paulit-ulit na pagpapatigil dito. - Ilan sa mga tinuligsa nitong pulitiko ay sina Gobernador Leonard Wood. - May mga komiks din na nailathala dito bilang isang “page filler” na tumutuligsa sa pamumuno ng mga Amerikano.

2. Telembang (1922-1924) -ay isang satirikong lingguhang magasin na nasa sirkulasyon ng industriya noong 1922 hanggang 1924. Ang pangunahing editor sa magasing ito ay si Inigo Ed Regalado. - Ang magasing ito ay naglalaman ng mga nakakatawang mga kwento mga caricatures at mga cartoons. - Ayon sa mga historyador ang mga cartoons sa magasing ito ay likha nina Fernando Amorsolo at Jorge Pineda. - Ang magsing ito ay naglalaman ng mga satirikong cartoons na laban sa mga Amerikano at mga pederalista. - Mayroong 111 isyu ang magsing ito.

3. Liwayway (1922) - Naunang nakilala bilang “Photo News” ito’y naglalaman ng mga larawan, balita, salaysayin, sanaysay, prosa, at tula, at nasusulat sa tatlong wika. - Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. - Inilunsad ni Ramon Roces ang mga magasin na nasa katutubong wika. - Mayroon pa ring magasing Liwayway hanggang sa kasalukuyan.

Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa. Dahil sa pagbabagong nagaganap naghanap ang mga tao ng ibang uri nang mga magasin na sasakto sa kanilang panlasa at mga hinanahanap. At dahil sa mga ito umusbong ang industriya ng mga makabagong magasin.

Araling Pilipino Ano ang Pahayagan

Ano ang Pahayagan


Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan.

Ang kauna-unahang naimprentang peryodiko ay inilathala noong 1605, at nakikipagsabayan pa rin kahit umusbong na ang mga bagong teknolohiya tulad ng radyo, telebisyon, at ang internet. Dahil sa mga bagong pag-papaunlad sa internet, nagkaroon ng pagsubok sa industriya ng mga peryodiko. Bumaba ang sirkulasyon nito sa mga bansa, kaya't ang iba ay lumilipat mula imprenta patungo sa internet online, na nagdulot ng pagbaba ng kita sa mga peryodiko. May mga lumalabas ng mga prediksiyon na baka lumiit o mawala na ang halaga nito, ngunit batay sa kasaysayan, hindi nalagpasan ng mga bagong teknolohiya tulad ng radyo at telebisyon ang mga nakalimbag na media.

pahayagan

Simula nang maging "journal" (talaan ng pangyayari) ang pahayagan, ang propesyong may kinalaman sa paggawa ng diyaryo ay tinawag na peryodismo.

Sa panahon ng "Dilaw na Peryodismo" noong ika-19 na siglo, madaming pahayagan sa Amerika ay bumase sa mga nakaliligalig na mga kuwento, sinadya ito upang galitin o pukawin ang madla imbes na magbigay impormasyon. ang mahigpit na pamamaraan ng pag-ulat na nakabase sa pagsisiyasat at kawastuhan ay muling sumikat bandang ikalawang pandaigdig.

Ang pamumuna sa peryodismo ay iba-iba at minsan ay marubdob. Ang krebilidad ay pinagdududahan dahil sa mga hindi kilalang pinagmulan, mga mali sa detalye, pagbaybay, at balarila, totoo o kaya natutuklasang hindi patas, at mga alingasngas na may kinalaman sa panunulad at paggawa ng kuwento.


Noon, ang pahayagan ay madalas na pagmamay-ari ng mga makapangyarihang tao, at ginamit ito upang magkaroon ng boses sa pulitika. Pagkatapos ng 1920 halos lahat ng malalaking palimbagan ay naging bahagi ng ugnayang pinalalakad ng malalaking samahan tulad ng Gannett, The McClatchy Company, Hearst Corporation, Cox Enterprises, Landmark Media Enterprises LLC, Morris Communications, The Tribune Company, Hollinger International, News Corporation, Swift Communications, at iba pa.

 Ang iba pang maaaring ilagay sa peryodiko/pahayagan ay:
 Ulat panahon
 Tudling ng Pagpapayo
 Mga tala ng mga palabas sa pelikula at teatro, shopping mall, restoran,
 Pangulong tudling
 Mga balitang showbis
 Mga palaisipan, krosword, sudoku, at mga oroskopyo
 Pampalakasan
 Mga biro at katatawanan
 Lathalain
 Mga balitang pangdayuhan/balitang pandaigdig
 Pangmukhang pahina

Ano ang mga bahagi ng Pahayagan?


mga bahagi ng pahayagan

Halimbawa ng Salawikain Minamahal habang Mayron


Halimbawa ng Salawikain: Minamahal habang mayroon, kung wala ay patapon


Ang salawikain na ito ay tumutukoy sa taong minamahal lamang kung mayroon itong naibibigay, pero tinatalikuran kung siya naman ang nangangailangan ng tulong. Ipinababatid ng salawikain na ito na kailangan din nating pumili ng mabubuting kaibigan at umiwas sa mga taong gusto lang tayo kapag meron tayong naiaambag sa kanila. Pumili ng mga kaibigan na totoong mahal ka at hindi naghahabol ng materyal na kapalit.


Mga Uri ng Bigkas sa Filipino

May apat mga uri ng bigkas aralin star ng uri ng bigkas sa Filipino. 

Mga Uri ng Bigkas sa Filipino
mga uri ng bigkas aralin star MALUMAY. Ang mga salitang may malumay na bigkas ay binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan. Ang salitang malumay ay maaaring magtapos sa patinig o katinig.

Halimbawa ng mga salitang may malumay na bigkas: 
buhay, malumay, kubo, baka, kulay, babae, dahon, apat

mga uri ng bigkas aralin star MALUMI.  Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Ito’y binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ang ipinagkaiba lamang ng dalawang pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng mga salitang malumi. Palaging nagtatapos sa tunog patinig ang malumi. Ginagamit natin ang tuldik na paiwa (\) sa pagpapakilala ng mga salitang binibigkas nang malumi.

Halimbawa ng mga salitang may malumi na bigkas: 
binatà, barò, ligò, lahì, dalirì, kawalì, batà, nenè, luhà, tiyanggè, susì, tamà, malayà, lupà, panlapì

mga uri ng bigkas aralin star MABILIS. Ang mga salitang mabilis ang bigkas ay binibigkas nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig. Wala itong impit na tunog. Maaaring magtapos ang mga salitang binibigkas nang mabilis sa katinig o patinig. Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis (/) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.

Halimbawa ng mga salitang may mabilis na bigkas: 
amá, diláw, aklás, pitó, litó, kahón, bulaklák, hulí, buwán, tuliró

mga uri ng bigkas aralin star MARAGSA. Ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuluy-tuloy na tulad ng mga salitang binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may impit o pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng malumi, ito ay palagiang nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na pakupya (/\) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.

Halimbawa ng mga salitang maragsa ang bigkas:
akdâ, pasâ, humulâ, ginawâ, tumulâ, tulê, hindî, hapdî, gawî, tupî, malî, kumolô, gintô, wastô, 


MGA KATEGORYA NG ARALING PILIPINO
Mga Alamat
Mga Bayani
Mga Bugtong
Mga Epiko
Mga Katutubong Kanta
Mga Pabula
Mga Parabula
Mga Sawikain o' Idyoma
Mga Salawikain
Mga Pambansang Sagisag
Pangulo ng Pilipinas
Wikang Filipino

Mga Salawikain Tungkol sa Buhay 2


sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Walang malaki na nakakapuwing.
Kahulugan: Ang salawikain na ito ay nagpapaalala sa atin na hindi natin dapat minamaliit ang anuman o sinuman dahil sa kanilang kaliitan sa katwirang may mga bagay itong nagagawa na maaaring higit pa sa iyong kakayahan.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
Kahulugan: Ang salawikain na ito ay nagpapahiwatig na kailangan marunong tayong mag adjust sa buhay. Kailangang marunong kang magtiis at magtipid ayon lang sa kung anong kaya mo. 

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Ang latang walang laman ay maingay.
Kahulugan: Ang salawikaing ito ay tumutukoy sa mga taong mahilig mag-ingay subalit wala namang masyadong alam sa buhay katulad na lamang sa mga taong puro salita lamang ngunit kung pakikinggan mo ay wala namang katuturan ang mga sinasabi.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
Kahulugan: Kung hindi mo pinagpaguran ang pera mo o' kung ano mang meron ka, hindi ka maghihinayang na gastahin ito o' ipamigay. 

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Huwag magbilang ng sisiw hanggat hindi pa napipisa ang itlog.
Kahulugan: Ang salawikain na ito ay isang paalala na huwag manigurado hanggat hindi pa nagyayari ang isang bagay. Huwag mo munang isipin o' kwentahin habang hindi pa tapos ang lahat.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda.
Kahulugan: Ang salawikaing ito ay nagsasabi ng habang bata pa, kailangang turuan ng tama dahil kung ano ang nakasanayan ng bata, hindi niya ito makakalimutan hanggang sa kanyang pagtanda.

sawikain tungkol sa buhay starSalawikain Tungkol sa Buhay : Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
Kahulugan: Ang salawikain na ito ay nagsisilbing paalala na mas mabuti ang sumagot ng mahinahon at magalang dahil nagpapalambot sa pusong galit.

Para sa karagdagang mga salawikain tungkol sa buhay, e-click ang link sa baba:
araling pilipino Mga Salawikain Tungkol sa Buhay 1

May tanong ka pa ba? E-type sa loob ng box at pindotin ang search.



MGA KATEGORYA NG ARALING PILIPINO
Mga Alamat
Mga Bayani
Mga Bugtong
Mga Epiko
Mga Katutubong Kanta
Mga Pabula
Mga Parabula
Mga Sawikain o' Idyoma
Mga Salawikain
Mga Pambansang Sagisag
Pangulo ng Pilipinas
Wikang Filipino

Walong Lalawigan na Sumisimbolo sa Watawat ng Pilipinas

Alam niyo ba kung ano ang walong lalawigan na sumisimbolo sa watawat ng pilipinas?
Ang walong (8) lalawigan na sumisimbolo sa walong sinag ng araw?



Ang walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas ay sumasagisag sa walong (8) lalawigan na unang nag-alsa laban sa paumuno ng mga Kastila noong ika 19th na dekada para makamit ng Pilipinas ang kalayaan.

walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas
Ang walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas ay kumakatawan sa lalawigan ng:

1. Maynila
2. Bulacan
3. Cavite
4. Laguna
5. Tarlac
6. Nueva Ecija
7. Pampanga at
8. Batangas

May katanungan ka pa ba? E-type sa loob ng box at pindotin ang search.
Custom Search
walong lalawigan na sumisimbolo sa watawat ng pilipinas

Mga Salawikain Tungkol sa Edukasyon

Hanap mo bay mga Salawikain tungkol sa edukasyon?

Ang edukasyon o pag-aral ay napakahalaga hindi lamang sa ating mga Pilipino kundi sa lahat ng tao ng mundo sapagkat ang edukasyon ay kayamanang hindi naaagaw ng kahit sino man. Lahat pweding mawala sa iyo, pero ang iyong karunungan ay hinding hindi mananakaw. Dahil dito, hangad ng mga magulang na makapagtapos ang kanilang mga anak.

E-play ang video sa baba


Salawikain Tungkol sa Edukasyon
Maraming ginintuan Salawikain Tungkol sa Edukasyon, pag-aaral at karunungan na nagsisilbing gabay at paala-ala sa atin, upang magsumikap at tuparin ang ating mga mithiin,  Narito ang mga halimbawa ng salawikain tungkol sa edukasyon, karunungan at pag-aaral:


Salawikain Tungkol sa Edukasyon 
(Salawikain Tagalog):

1.Ang taong mapagtanong, daig ang marunong.
2.Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.
3. Ang lakas ay daig ng paraan.
4.Ang isip ay parang itak, sa hasa tumatalas.
5. Ang karunungan ay kayamanan gamitin sa kabutihan.
6. Ang taong mapagtanong, daig ang marunong.
7. Ang panahon ay samantalahin, sapagka't ginto ang kahambing.
8. Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.
9. Ang karunungan ay kayamanang walang taong makapagnanakaw.
10. Mag-aral ng mabuti upang buhay ay mapabuti.
11. Maliit man ang butil ng kaalaman, ang dulo nito at malaking kaginhawaan.
12. Huwag paaalipin sa hirap at kamangmangan. Pag-aaral ay igapang upang ito ay mawakasan.
13. Iba ang may natapos, dahil pang-unawa ay hindi kapos.
mga salawikain tungkol sa edukasyon tagalog14. Sa dulo ng paglalakbay ng aral na walang humpay, buhay na matiwasay ang kanya namang alay.
15. Ang wastong edukasyon ay pahalagahan. Ito ay susi sa iyong kinabukasan.
16. Ang edukasyon ay ang pundasyon kung saan itinatayo natin ang ating kinabukasan.
17. Ang edukasyon ay ang susi upang buksan ang ginintuang pinto ng kalayaan.
18. Ang edukasyon ay ang kilusan mula sa kadiliman hanggang sa liwanag.
19. Ang lahat ng tunay na edukasyon ay ang arkitektura ng kaluluwa.
20. Kung ang isang tao ay nagpapabaya ng edukasyon, lumalakad siya sa pilay sa dulo ng kanyang buhay.


Salawikain in English:
1. A child without education is like a bird without wings.
2. Education is not the learning of facts, but the training of the mind to think.
3. Education is the most powerful weapon which you can use to change the world.
4. An investment in knowledge pays the best interest.
5. Education is what remains after one has forgotten what one has learned in school.
6. Develop a passion for learning. If you do, you will never cease to grow.



Bahagi ng Pangungusap at mga Halimbawa

Noong nakaraan, nailathala namin ang ibig sabihin ng Pangungusap. Ngayon naman ay tatalakayin natin ang bahagi o' balangkas ng pangungusap.
bahagi ng pangungusap

Ang pangungusap ay may dalawang (2) bahagi.

Bahagi ng Pangungusap
1. PAKSA O' SIMUNO - Ito ang bahaging nagpapahayag ng pinag-uusapan o' pinagtutuunan ng pansin sa pangungusap. Ito ay maaaring tao, hayop, bagay, lugar, o' pangyayari na gumaganap ng kilos o' pinagtutuunan ng diwang isinasaad ng pandiwa.

 Halimbawa ng Paksa (pulang titik):  
1. Sinusubaybayan ng mga mamamayan ang imbestigasyon ukol sa katiwalian sa pamahalaan.
2. Nag-aalaga si Rosanna ng baboy at manok.


2. PANAGURI- Ito ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng impormasyon o' kaalaman tungkol sa paksa.

  Halimbawa ng Panaguri (pulang titik):  
1. Sinubaybayan ng mga mamamayan ang imbestigasyon ukol sa katiwalian sa pamahalaan.